Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

ARAW 16 NG 30

Ang pananampalataya ay ang personal na pagtitiwala natin sa isang Nilalang na batid natin ang katangian, ngunit ang Kanyang mga pamamaraan ay hindi kayang arukin ng sentido kumon. Ang pananampalataya ay ang praktikal na pagsasakatuparan sa ating buhay ng lubos at determinadong pagtitiwala sa Diyos. Ang sentido kumon ay matematikal; Ang pananampalataya ay hindi matematikal, ang pananampalataya ay kumikilos sa mga hindi makatwirang linya. Si Jesu-Cristo ay nagbibigay ng pinakamalakas na pagpapahalaga sa pananampalataya, at lalo na sa pananampalatayang nasubok na.

Ang bawat pagtitiwala, bawat pag-ibig, bawat debosyon na hindi nakabatay sa isang personal na relasyon sa Diyos ay magiging kasinungalingan, hindi lamang sa karanasan ng indibidwal, kundi sa kasaysayan ng mundo. Ipapakita sa atin ng Diyos sa Kanyang matiyagang paraan na kung tayo ay nagtatayo sa anumang bagay na mas mababa kaysa kay Jesu-Cristo ito ay magiging walang silbi, dahil tayo ay nagtitiwala sa maling bagay (tingnan ang 1 Mga Taga- Corinto 3:10-15; 9:27).

Mga Tanong sa Pagninilay: Sa anong mga paraan ko inaasahan ang pananampalataya na kikilos tulad ng isang pormula sa matematika? Sa anong mga paraan ako pinipigilan ng aking mga interes at ari-arian na maging marubdob tungkol sa kung ano ang mahalaga sa Diyos?

Ang mga sipi ay kinuha mula sa Studies in the Sermon on the Mount at Notes on Jeremiah, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 15Araw 17

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org