Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa
Kung ang iyong pag-asa ay nabibigo ngayon, nangangahulugang ito'y dinadalisay. Walang marangal na inasam o pinangarap ang isip ng tao na hindi matutupad. Huwag agad magpadala sa mga konklusyon; maraming mga bagay na hindi pa nalulutas, at ang pinakamalaking pagsubok sa lahat ay yaong ang Diyos ay tila walang malasakit. Manatiling matatag sa espirituwal.
Sa Biblia, hindi mo mahahanap ang tala ng isang pesimista. Sa gitna ng mga nakadudurog na kondisyon ay laging may hindi pangkaraniwang pag-asa at malalim na kagalakan na nadarama, sapagkat ang Diyos ay nasa puso. Ang mahusay na paggawa ng Katubusan sa ating karanasan ay nagbibigay ng kagalakan sa atin sa gitna ng mga bagay kung saan ang ibang tao ay walang nakikita kundi nakapipinsalang kalamidad.
Mga Tanong sa Pagninilay: Anong maling konklusyon tungkol sa Diyos ang nagpapahina sa aking pag-asa? Anong mga pangyayari ang nagpapaisip sa akin na ang Diyos ay walang malasakit? Bakit kailangan ng pag-asa ng Pagtubos na tayo ay dumaan sa mahihirap na kalagayan?
Ang mga sipi ay mula sa God's Workmanship and The Highest Good,, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org