Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

ARAW 9 NG 30

Kung ipagkakatiwala ng isang tao ang kanyang “kahapon” sa Diyos, gawin itong walang pagbawi, at magtitiwala sa ginawa ni Jesu-Cristo, ang kanyang bibig ay mapupuno ng pagtawa, at ang kanyang dila ng pag-awit. Kakaunti lamang sa atin ang nakakarating doon dahil hindi tayo naniniwalang ginagawa ni Jesu-Cristo ang sinasabi Niya. Mababago ba akong muli ni Jesu-Cristo, sa aking kakulitan at sa aking kabaliwan; maaayos bang muli ang aking kaisipan at ang aking mga pangarap? Sinabi ni Jesus, "Sa Diyos ang lahat ng bagay ay posible." Ang dahilan kung bakit hindi ito magagawa ng Diyos para sa atin ay dahil sa ating kawalan ng pananampalataya; hindi ito gagawin ng Diyos kung hindi tayo naniniwala, ngunit ang ating pangako sa Kanya ay bahagi ng mahalagang relasyon.

Ang nag-aakusa sa mga kapatid ay nagsasabi sa Diyos, “Ang taong iyon ay isang wasak na tambo, huwag kang magtayo ng anumang pag-asa sa kanya, siya ay isang hadlang at isang sama ng loob sa Iyo; sirain Mo siya.” Ngunit hindi, tatalian ng Panginoon ang putol na tambo at gagawin itong isang kahanga-hangang instrumento at magpapahayag ng matamis na musika sa pamamagitan nito.

Tanong sa Pagninilay: Anong hindi ko natatanggap dahil tumatanggi akong maniwala sa pag-asa ng Diyos para sa akin?

Ang mga sipi ay kinuha mula sa The Place of Help at Notes on Isaiah, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org