Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa
Ang katangi-tanging kagandahan ng tanawin ng bundok ay gumigising sa matayog na mga adhikain; ang walang limitasyong mga espasyo sa itaas ng matataas na taluktok ng bundok, ang tuktok na nababalot ng niyebe, at ang may pilat na bahagi ng mga dahon na naglalaglagan at naggagandahan habang ito ay tumatawid sa ibabang lambak, ay tumatayo bilang simbolo para sa lahat ng matataas at matatayog at mapaghangad. Ngunit sa isang dagli, ating mapagtatanto ang limitasyon hindi lamang sa pisikal na pamumuhay kundi pati na rin sa panloob na pamumuhay; ang pag-alala sa mga kabundukan at mga karanasan sa tuktok ng bundok ay nag-iiwan sa atin ng kaunting kalungkutan. Ipinaaalaala nito ang awit ng Salmista: “Nararapat ko bang itingin ang aking mga mata sa mga burol?” "Doon ba nanggagaling ang tulong ko?" At ang sagot ng Salmista, "Hindi, ang tulong ko ay nagmumula sa Panginoon na gumawa ng mga burol!"
Narito ang diwa ng espirituwal na katotohanan. Hindi sa mga dakilang bagay na ginawa ng Diyos, hindi sa marangal na mga banal at sa marangal na buhay na Kanyang ginawa, kundi sa Diyos mismo tayo umaasa sa ating pag-asa.
Mga Tanong sa Pagninilay: Anong mga personal na limitasyon—pisikal, espirituwal, emosyonal—ang nagpapalungkot sa akin? Ano ang inaasahan kong gawin para sa Diyos na sa tingin ko ay nangangailangan ng higit na lakas kaysa sa kaya Niyang ibigay sa akin?
Ang mga sipi ay kinuha mula sa The Place of Help, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org