Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa
Kapag nagrereklamo ako at sinasabing, “Bakit ito pinahihintulutan ng Diyos?” Hindi lang ako walang silbi kundi mapanganib din. Ang pagsasabi sa Diyos kung ano ang dapat Niyang gawin, na ang mga tao ay naliligaw at na dapat Niyang iligtas sila, ay isang kakila-kilabot na paratang laban sa Diyos, nangangahulugan ito na baka Siya ay natutulog. Kapag ipinaunawa sa akin ng Diyos na ako ay dinadala sa Kanyang mga ginagawa, napapahinga ang aking kaluluwa. Ang dakilang pagkilos ay sa Diyos, hindi sa akin.
Ang panalangin ay paggawa, hindi paghihirap, ngunit paggawa batay sa Pagtubos ng ating Panginoon sa simpleng pagtitiwala sa Kanya. Ang panalangin ay simple sa atin dahil napakalaki ng halaga para sa Kanya upang gawin itong posible sa atin. Ipinagkakaloob ng Diyos na magawa natin ang Kanyang mga tagumpay para sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang paraan tungkol dito.
Mga Tanong sa Pagninilay: Paano nahahadlangan ng aking kawalang pag-asa ang gawain ng Diyos sa aking buhay at sa mundo? Paano nababawasan ang aking pag-asa dahil hindi ko sineseryoso ang gawain ng panalangin?
Ang mga sipi ay mula sa The Place of Help at If You Will Ask, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org