Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

ARAW 6 NG 30

"Kung susundin mo si Jesus magkakaroon ka ng buhay na may kagalakan at tuwa." Bueno, hindi ito totoo. Sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Tayo na sa kabilang ibayo ng lawa,” at hinarap nila ang pinakamatinding unos sa buhay nila. Sasabihin mo, "Kung hindi ko sinunod si Jesus ay hindi sana ako napunta sa ganitong komplikasyon." Eksakto. Ang tukso ay sasabihin, "Hindi maaaring sinabi sa akin ng Diyos na pumunta doon, kung magkaganoon ay hindi ito mangyayari." Matutuklasan natin kung magtitiwala tayo sa integridad ng Diyos o makikinig sa sarili nating pag-aalinlangan.

“Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbabá't pusong mapagtapat.” (Mga Awit 51:17)—yaong espiritung pinasaya ng Diyos sa pamamagitan ng dakilang pagpapatawad. Ang tanda ng ganitong uri ng bagbag na puso ay ang banal ay hindi nababagabag ng mga bagyo, at hindi nababalisa sa pangungulila dahil siya ay nagtitiwala sa Diyos.

Mga Tanong sa Pagninilay: Kapag ang sitwasyon ay hindi maganda, nakikita ko ba ito bilang isang indikasyon na ako ay nagkamali tungkol sa pangunguna ng Diyos o tungkol sa pag-ibig ng Diyos? Handa na ba akong tanggapin na baka hindi totoo ang mga tinurang ito? Ano ang mas mahusay na paliwanag doon?

Ang mga sipi ay kinuha mula sa He Shall Glorify Me at Notes on Jeremiah, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org