Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

ARAW 12 NG 30

Lahat tayo ay nangangailangan ng isang taong magagawang totoo para sa atin ang mga ideya na mayroon tayo tungkol sa Diyos ngunit nakalimutan na natin; ang Kaisa-isang makakagawa nito para sa atin ay ang Espiritu ng Diyos. Ibinalik ni Isaias sa mga tao una sa lahat ang alaala kung sino ang Diyos; hindi ka maaaring magkaroon ng pananampalataya sa sinumang nakalimutan mo na. Hindi ang mga pangako ng Diyos ang kailangan natin, kundi ang Kanyang sarili mismo. "Ang Kanyang presensya ay kaligtasan." Sa sandaling dumating ang Presensya na iyon, ang lahat ng panloob na puwersa ng pag-asa ay sabay-sabay na magsusumigaw.

Sa tuwing sasabihin kong "Gusto kong maipaliwanag ang bagay na ito bago ako magtiwala," hinding-hindi ako magtitiwala. Ang pagiging perpekto ng kaalaman ay dumarating pagkatapos na maisagawa ang pagtugon sa Diyos. Ang buong eksposisyon ng Bagong Tipan sa inspirasyon ng Banal na Espiritu ay upang malaman natin kung saan tayo inilagay ng Pagtubos ng Makapangyarihang Diyos.

Mga Tanong sa Pagninilay: Sa Pasko, sinasabi natin, "Ang presensya ng Diyos ay mas mahalaga kaysa mga regalo." Gusto ko ba talaga ang Kanyang presensya kaysa sa Kanyang mga regalo? Anong regalo ng kaalaman ang mas gusto ko kaysa sa Diyos mismo?

Ang mga sipi ay kinuha mula sa Notes on Isaiah and God’s Workmanship, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org