Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa
Ang tunay na kalikasan ng puso ng isang tao ay ang umasa at umasam. Ang puso ang pinalalakas ng Diyos (cf. Mga Awit 73:26), at sinabi ni Jesu-Cristo na Siya ay naparito upang “talian ang mga bagbag na puso.” Ang kamangha-mangha sa pananahan ng Espiritu ng Diyos ay na Siya ay makapagbibigay ng pag-asa sa isang taong nawalan ng pag-asa.
May pagkakaiba sa pagitan ng simpatiya na ibinibigay natin sa isang taong nawawalan ng pag-asa at sa kung ano ang gagawin ng Banal na Espiritu para sa kanya. Maaari tayong maupo sa tabi ng isang taong bagbag ang puso at magbuhos ng isang daloy ng pakikiramay, at sabihin kung gaano tayo nalulungkot para sa kanya, at sabihin sa kanya ang tungkol sa ibang mga tao na may bagbag na puso rin; pero lahat ng iyon ay lalo lang maglalagay sa kanya sa kawalang pag-asa. Kapag ang ating Panginoon ay nakikiramay sa pusong winasak ng kasalanan o kalungkutan, ibinubuklod Niya ito at ginagawa itong isang bagong puso, at ang pag-asa ng pusong iyon magpakailanman ay mula sa Diyos.
Mga Tanong sa Pagninilay: Ano pa ang inaasahan kong matatanggap mula sa Diyos maliban sa pakikiramay? Paano nahihigitan ng pag-asa ng Diyos para sa akin ang pakikiramay? Bakit ako makukuntento sa pakikiramay kung maaari akong magkaroon ng pagpapanumbalik?
Ang mga sipi ay mula sa The Moral Foundations of Life, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org