Hindi makapag desisyon?Halimbawa
Magandang Palitan
Sa ika -labintatlong kabanata ng aklat ni Mateo, nagbahagi si Jesus ng maiksing parabula tungkol sa isang taong nakahanap ng lupain na hindi niya matanggihan. Sa isang banda nakahanap siya ng bukirin na naglalaman ng mahalagang kayamanan. Dahil sa kanyang natuklasan, itinago niya sandali ang kayamanan, umuwi sa kanila at ibinenta ang lahat ng ari-arian niya. Binalikan niya ang bukirin at binili nya ito. Ang kayamanan ay mas mahalaga pa kaysa sa dating pinagmamay-ari nung tao, kaya't ganun na lang ang pagpupursigi niyang mapasa kanya ang lupain. Sinundan ito ni Jesus ng isa pang kwento tungkol naman sa isang mangangalakal ng perlas. Isang araw, nakatagpo siya ng isang perlas na walang katulad ang kalidad, kaya ibinenta niya ang lahat ng pag-aari niya para lang makamit ito.
Ang dalawang parabulang ito ay mga kwento lamang na ginamit ni Jesus para sa kanyang mga aral, pero meron isang taong lumapit sa kanya at nagtanong, "Ano ang kailangan kong gawin para mailigtas?" Hindi siya handa para sa tugon ni Jesus.
"Ibenta mo ang lahat ng ari-arian mo. Ibigay mo ang pera sa mahihirap, at sumunod ka sa akin."Malungkot na lumayo ang lalaki dahil napakayaman niya. Masakit ang pakawalan ang lahat ng iyong ari-arian. Hindi kailangan ni Jesus na pakawalan mo ang iyong materyal na yaman upang sumunod sa Kanya, ngunit kinakailangan natin maintindihan ang gugugulin sa pagsunod sa Kanya.
Kapag nagdesisyon kang sumunod kay Cristo, magbabago ang buhay mo. Maaari mong pakawalan ang ibang bagay, o ibang tao, ibang nakaugalian na, at ang ilang oras mo. Ang mga matagumpay na nagbago ng pamumuhay ay kagaya ng mga taong nasa parabula ni Jesus — ang mga taong naintindihan ang halaga ng palitan, at handang pakawalan ang lahat upang makamit ito.
Sabi ni Jim Elliot, isang tanyag na misyonero sa Ecuador noong dekada 50, "Sadyang matalino ang taong pakakawalan ang mga bagay na hindi niya maaring ariin upang makamit ang mga hindi niya maaring walain." Nais kang alukin ng Diyos na ampunin ka bilang Kanyang anak, patawarin ang bawat kasalanan na gagawin mo pa lamang, at mabigyan ka ng pagkakataon na mabuhay sa paraiso sa habang panahon. Kahit ano pa ang kinailangan mong pakawalan, napakagandang palitan ito.
Panalangin
Panginoong Diyos, aking nauunawaan na ang aking pagsunod sa Iyo ay maaaring mang hingi ng aking mga panandaliang kasiyahan. Tulungan po Ninyo akong maintindihan na mas malaki pa ang makukuha ko kapag ipinagkatiwala ko ang aking buhay sa Inyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi ka pa rin makapag desisyon tungkol sa Diyos? Hindi ka pa ba tiyak kung ano ang pinaniniwalaan mo? Gugulin mo ang mga susunod na pitong araw upang galugarin ang Biblia upang makita kung ano ang ipapahayag sa iyo ng Diyos tungkol sa Kanyang tunay na katangian. Ito ang pagkakataon upang ikaw mismo ang makabasa sa kasaysayang ito at makapag desisyon kung ano ang iyong paniniwalaan. Ang ideya patungkol sa Diyos ay masyadong mahalaga para ikaw ay hindi pa rin makapag desisyon.
More