Hindi makapag desisyon?Halimbawa
Masalimuot na Panlilinlang
Ang kaaway ng ating kaluluwa ay bumuo ng isang masalimuot na panlilinlang na parang sobra-sobra ang kasalukuyan nating pagkaalipin at tila baga pagpapakasakit ang ating kalayaan. Mahirap palayain ang isang tao kapag hindi nila napapagtantong sila'y inaalipin. Una, ang talukbong sa katotohanan ay kailangang maalis upang maipakita sa kanila ang katotohanan.
Iyan din ang hamong kinakaharap ng mga Cristiano sa ngayon. Nabubuhay tayo sa isang mundo kung saan ang ating mga pinaniniwalaan ay tila baga wala na sa panahon at hungkag. Binubulag tayo ng mundong nakapaligid sa atin kaya't hindi natin nakikita kung gaano kaikli na ng ating oras. Bumubuo tayo ng masasalimuot na kastilyo sa lumulubog na barko, habang hinahangaan ang mga naisakatuparan natin na malapit na mahila pailalim sa napakalamig na pag-apaw ng panahon.
Maaaring hindi mo nararamdaman na para kang alipin. Maaaring nahihirapan kang maunawaan ang Biblia at napakabigat tanggapin ng relihiyon. Ngunit mayroon sa kaloob-looban mo na nag-uudyok sa iyong basahin ito. Maaaring hindi ka nakakaramdam ng kaginhawaan sa simbahan, ngunit hindi mo mapakawalan ang kaisipang may puwersang mas malakas sa iyo sa kung saan man na namamahala sa lahat ng ito.
Kabog.
Kabog. Kabog.
Tumitibok ang puso mo. Nararamdaman mo ito, ngunit hindi mo ito nakikita. Iyan ang kalagayan mo sa Diyos ngayon. May nararamdaman ka, ngunit may nilalaman ito na hindi mo maipaliwanag.Nang si Jesus ay nagturo sa sinagoga sa kanyang tahanan noong kabataan Niya, inabutan Siya ng isang balumbon ng mga propesiya ni Isaias. Binasa Niya ang isang talata tungkol sa pagpapalaya sa mga bihag at pagbibigkis ng mga sawing puso. Nang matapos Niya itong basahin, sinabi Niya, "Ang Banal na Kasulatan na inyong narinig ay natupad na ngayong araw na ito!" Ang talagang sinasabi lamang Niya sa lahat ay naparito Siya upang palayain ang mga tao.
Hindi pa rin nagbabago ang Kanyang pakay ngayon. Kung may iniisip ka man o parang hindi ka mapakali, ipagpatuloy mo ang iyong pagbabasa. Ang inaasahan ko'y mabubuksan ang iyong mga mata sa totoong katotohanan sa paligid mo, at makita mo si Jesus sa kung sino talaga Siya...ang iyong Tagapagligtas.
Panalangin
Diyos ko, nais kitang makita sa panibagong paraan. Bigyan mo ako ng karunungan upang makita ko ang pandarayang ginawa ukol sa tunay kong katayuan. Anuman ang aking mga nagdaang karanasan sa relihiyon at pananampalataya, gusto kong makilala ang totoong Ikaw.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi ka pa rin makapag desisyon tungkol sa Diyos? Hindi ka pa ba tiyak kung ano ang pinaniniwalaan mo? Gugulin mo ang mga susunod na pitong araw upang galugarin ang Biblia upang makita kung ano ang ipapahayag sa iyo ng Diyos tungkol sa Kanyang tunay na katangian. Ito ang pagkakataon upang ikaw mismo ang makabasa sa kasaysayang ito at makapag desisyon kung ano ang iyong paniniwalaan. Ang ideya patungkol sa Diyos ay masyadong mahalaga para ikaw ay hindi pa rin makapag desisyon.
More