Hindi makapag desisyon?Halimbawa
Mga Tahimik na Hudyat
Sa ngayon, may mga hindi nakikitang alon na umiikot sa iyong isipan. Mga palabas sa telebisyon, mga programa sa radyo, mga pag-uusap sa telepono at GPS coordinates na walang hupang pinauulanan ang mundo sa kapaligiran mo. Marami sa kanila ay naglalaho lamang sa lupa o pumipintig nang hindi napapansin patungo sa hungkag na kadiliman sa kalawakan. Sa gitna ng lahat ng ingay na ito, maaari kang umupo sa labas at malugod sa isang tahimik na gabing walang kamalay-malay sa kaguluhan. Ngunit kapag pinatay mo na ang radyo, ang telebisyon o ang telepono, ang katahimikan ay biglang nagkakaroon ng kahulugan.
Isa sa mga hudyat na umiikot sa iyong isipan ngayon ay ang tinig ng Diyos. Hindi siya pinatatakbo ng kuryente. Hindi siya maaaring sukatin ng mga instrumento o matatanggap ng mga aparato. Hanggang sa puntong ito, maaaring hindi mo napapansin ang tinig ng Diyos ngunit nariyan iyan.
Ang aklat ni Job ay isang kakaibang kuwento sa kalagitnaan ng Biblia tungkol sa isang lalaki na nagalit sa Diyos nang ang buhay niya ay nagsimulang gumuho. Inakusahan ni Job ang Diyos na hindi nagsasalita, ngunit itinama ng kaibigan ni Job na si Elihu ang pananaw ni Job. "Bakit ang Diyos ay iyong pinagbibintangan na di marunong makinig sa iyong karaingan? Magsalita man Siya sa iba't-ibang paraan, hindi pa rin natin ito lubos na mauunawaan" (Job 33:13-14 RTPV05).
Matalinong obserbasyon ang ginawa ni Elihu. Ang Diyos ay laging nangungusap, ngunit tayo ang hindi laging nakikinig. Siya ay nangungusap nang tuwiran at hindi tuwiran. Nangungusap Siya sa pamamagitan ng mga panaginip at sa pamamagitan ng mga tao. Nangungusap Siya sa pamamagitan ng kirot at sa pamamagitan ng kagalakan. Nangungusap Siya sa pamamagitan ng buhay at sa pamamagitan ng kamatayan. Lagi Siyang nangungusap, at ngayong araw na ito, Siya ay nangungusap sa iyo. Tunay ngang napakadaling marinig Siya. Ang kailangan mo lamang gawin ay buksan ang nasa sa iyong makakakuha ng Kanyang hudyat -- ang iyong espiritu.
Nang si Jesus ay hinarap ng mga pinuno ng relihiyon sa Kanyang panahon dahil sa pagsira Niya sa mga sagradong batas, ito ang isinagot Niya. "Pakatandaan ninyo na darating ang oras, at ngayon na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng anak ng Diyos at ang sinumang makinig sa Kanya ay mabubuhay." (Juan 5:25 RTPV05).
Tingnan mo ang iyong buhay. May napapansin ka bang anumang pangyayari sa buhay mo na maaaring ginagamit ng Diyos upang makuha ang iyong pansin? May naiisip ka bang mga tao na maaaring inilagay ng Diyos sa buhay mo upang tulungan kang marinig ang tinig Niya? Basahin ang mga taludtod sa Job at sa Juan, at tingnan mo kung mapapansin mo ang lahat ng mga kaparaanan ng Diyos upang mangusap sa iyo na hindi mo masyadong nabigyang-pansin noong nakaraan.
Panalangin
Aking Diyos, maaari mo bang gawing mas malinaw ang tinig mo nang higit kaysa sa ingay na naririnig ko sa aking abalang buhay? Tulungan mo akong kilalanin ang mga tao at kaganapan sa buhay ko na ginagamit mo upang makuha ang aking pansin. Buksan mo ang puso at isipan ko upang maunawaan ang mga taludtod na ito mula sa Biblia.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi ka pa rin makapag desisyon tungkol sa Diyos? Hindi ka pa ba tiyak kung ano ang pinaniniwalaan mo? Gugulin mo ang mga susunod na pitong araw upang galugarin ang Biblia upang makita kung ano ang ipapahayag sa iyo ng Diyos tungkol sa Kanyang tunay na katangian. Ito ang pagkakataon upang ikaw mismo ang makabasa sa kasaysayang ito at makapag desisyon kung ano ang iyong paniniwalaan. Ang ideya patungkol sa Diyos ay masyadong mahalaga para ikaw ay hindi pa rin makapag desisyon.
More