Hindi makapag desisyon?Halimbawa
Nakatagong Kayamanan
Nakaabot ka na sa pinakahuling bahagi. Ngayon, nais kong ialok sa inyo ang nakatagong kayamanan. Ito'y nakabaon sa gitna ng kaabalahan ng iyong buhay. Ito'y natatakpan ng sala-salabat na paghuhudyat sa isang abalang mundo, ngunit kung ito'y makikita mong mabuti sa unang pagkakataon, ang kahalagahan nito ay hindi maitatatwa.
Ang bawat tao ay puno ng kasalanan at katiwalian. Maging ang mga taong natutunan na ang sining ng pagdidisiplina at pagsasakripisyo ng sarili ay hindi kayang palayain ang kanilang sarili mula sa pagkagapos sa kasalanan. Ito'y bahagi ng ating espirituwal na DNA mula sa ating kapanganakan. Ngunit may kasaysayan nang ginawa ang Diyos para sa iyo.
Maaaring ang iyong kasaysayan ay may kasamang maikling kabanata kung saan gumugol ka ng ilang araw sa pagbabasa ng isang debosyonal na nakabase sa Biblia na nasa iyong telepono at dito'y nakatagpo mo ang pagmamahal ng Diyos sa unang pagkakataon. Anuman ang iyong kasaysayan, ikaw man ay nasa una o nasa ika-limampung pangangalap, at ang Diyos ay masugid.
Ang anak ng Diyos, si Jesus, ay hindi matitinag sa Kanyang pagpapalaya sa iyo mula sa pagkaalipin sa kasalanan na ang ginawa Niya ay Siya mismo ang naging kasalanan at Siya ang hinatulan upang matugunan ang kaparusahan laban sa iyong buhay. Subalit kailangang ikaw na ang magpatuloy ng kasaysayan simula rito. Nasa iyo na ang pagpili kung ang iyong kasaysayan ay malalathala o iwawaksi. Kailangang isaalang-alang mo ang halaga nito, ngunit kailangang isaalang-alang mo rin ang halaga ng pagpapaplit. Kung handa ka na para sa susunod na hakbang, gawin mong panalangin ito sa Diyos ngayon.
Panalangin
O Diyos, napagtanto ko na ngayon kung paanong hinahabol mo ako sa buong buhay ko. Malinaw ko na ngayong nakikita kung gaano mo ako kamahal, at handa na akong isuko ang lahat upang ako'y sumunod sa Iyo. Patawarin mo ang aking mga kasalanan. Gawin mo akong bago. Maging tagapagligtas ko Ikaw. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi ka pa rin makapag desisyon tungkol sa Diyos? Hindi ka pa ba tiyak kung ano ang pinaniniwalaan mo? Gugulin mo ang mga susunod na pitong araw upang galugarin ang Biblia upang makita kung ano ang ipapahayag sa iyo ng Diyos tungkol sa Kanyang tunay na katangian. Ito ang pagkakataon upang ikaw mismo ang makabasa sa kasaysayang ito at makapag desisyon kung ano ang iyong paniniwalaan. Ang ideya patungkol sa Diyos ay masyadong mahalaga para ikaw ay hindi pa rin makapag desisyon.
More