Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi makapag desisyon?Halimbawa

Undecided?

ARAW 5 NG 7

Gawaing Ipinagpapatuloy

Ang sumulat ng aklat ng Mga Hebreo ay nagsasabing si Jesus ang may-akda at tagapagtapos ng ating pananampalataya. Siya lagi ang humahabol, at tayo ang Kanyang hinahabol. Hindi lamang Niya tayo hinabol, kundi isinulat din Niya ang kasaysayan ng ating kaligtasan. Katulad ng mga pira-pirasong papel sa sahig ng isang manunulat ng kathang-isip, ang ibang kuwento rito ay itatapon at hindi na mararanasan. Ngunit si Jesus ay malikhain, at malawak ang saklaw ng Kanyang paghabol sa atin. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kasaysayan ng kaligtasan.

Naplano na Niya ang iyong kasaysayan, maging ang mga bahaging hindi pa nangyayari. Higit pa ito sa isang kasaysayan. Maaaring isipin mo itong tulad ng isang blueprint, isang itineraryo, o isang plano -- ang plano ng Diyos -- para sa iyo. Maraming beses ko na itong narinig na parang aakalain mong hindi ito totoo.

"Ang Diyos ay may plano para sa iyong buhay."

Ngunit talagang may plano Siya para sa iyo. Hindi ko alam ang lahat ng pinaplano Niya para sa iyo, ngunit alam kong kasama rito ang sandali kung saan pipili kang tanggapin ang kapatawaran ng Diyos at maging tagasunod Niya. Kung ang sandaling iyon ay hindi pa nangyayari sa iyo, mayroon kang pagpiling maaaring gawin.

Ang mga sumusulat ng mga kathang-isip ay madalas na nakakasulat ng ilang mga kabanata na hindi nakakasama sa huling banghay. Kung minsan, ang isang manunulat ay magbabanghay ng mga bersiyon na maaaring ihalili sa isang kabanata. Isang bersiyon lamang ang makakasama sa aklat na inilimbag.

May iba't-ibang bersyon ng iyong kasaysayan na nakalatag sa mesa ng Diyos, at naghihintay Siya sa iyo upang makita kung alin ang makakasama sa "nakalimbag" na bersyon ng iyong buhay. Siya ang may-akda ng iyong pananampalataya, ngunit Siya rin ang magtatapos nito. Nababasa natin sa Biblia na "Siya na nagsimula ng mabuting gawa sa iyo ay Siya ring tatapos nito."

Maaaring kakatwa na ang Diyos na nakakaalam ng lahat ay naghihintay sa atin upang magpasya kung aling kasaysayan ang ating pipiliin, ngunit iyan ang marupok na kalikasan ng mundong ating ginagalawan. May mga nakakatakot na bagay na nangyayari araw-araw dahil binigyan ng Diyos ng kapangyarihang pumili ang sangkatauhan. Maaari nating piliin ang kasamaan o kabutihan, kumilos o hindi kumilos. Sa kadulu-duluhan, alam na ng Diyos ang magiging pasya mo, ngunit hindi nito pinapawalang-bisa ang iyong kakayahang pumili.

Paano matatapos ang iyong kasaysayan? Magkakaroon kaya ito ng isang kabanata kung saan matutuklasan mo ang kapatawaran, ang kapayapaan at kaligayahang naghihintay sa iyo. O magtatapos kaya ito sa isang malungkot na kabalintunaan ng kaalamang ang kaligtasan ay nariyan lang at kaya mong abutin ngunit nag-aatubili kang abutin ito sa kadiliman at magbakasakali kang magmukhang hangal?

Panalangin

Aking Diyos, bigyan mo ang ng kalakasan ng loob na abutin Ka. Tulungan mo akong magkaroon ng matalinong pagpili sa kung ano ang inilaan Mo na para sa akin. Nais kong maipamuhay ang pinakamagandang bersyon ng kasaysayan ng buhay ko.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Undecided?

Hindi ka pa rin makapag desisyon tungkol sa Diyos? Hindi ka pa ba tiyak kung ano ang pinaniniwalaan mo? Gugulin mo ang mga susunod na pitong araw upang galugarin ang Biblia upang makita kung ano ang ipapahayag sa iyo ng Diyos tungkol sa Kanyang tunay na katangian. Ito ang pagkakataon upang ikaw mismo ang makabasa sa kasaysayang ito at makapag desisyon kung ano ang iyong paniniwalaan. Ang ideya patungkol sa Diyos ay masyadong mahalaga para ikaw ay hindi pa rin makapag desisyon.

More

Nais naming magpasalamat sa YouVersion sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.youversion.com