Hindi makapag desisyon?Halimbawa
![Undecided?](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F2898%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Pagkakatulad
Nakikita ng Diyos ang kabuuan ng panahon tulad ng mga alon sa kagiliran ng Langit. Nakikita ka Niya -- ang bawat bersyon mo. Nakikita Niya ang makasarili at di-makasariling ikaw, ang matalino at ang mangmang na ikaw. Nakikita Niya ang pinakamadilim na kahihiyan mo at ang ipinagmamalaki mong kagalakan. Nakikita ka Niya sa kasalukuyan at sa nakaraan na singlinaw nang kung paanong nakikita ka Niya sa hinaharap.
Sa katotohanan, nakikita Niya ang bawat maaaring bersyon mo sa hinaharap -- ang lahat ng maaaring pagpiliang bersyon ng kung anong kahihinatnan mo sa iba't-ibang mga pagpili at pangyayari. Batid Niya ang pinakamalaki mong potensyal at ang pinakamalaking banta sa iyong kapalaran. Ang Diyos ay naroon sa labas ng panahon at may kahanga-hangang kakayahang makita ang lahat ng bersyon mo agad-agad. Ang mabuti at ang masama -- ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap -- ang lahat ng ito'y magkakaugnay sa Kanyang mga mata.
Sanay na tayong makita ang ating sarili sa kung ano tayo ngayon. Iniisip natin na ganito rin tayo nakikita ng Diyos, subalit ang damdamin ng Diyos para sa atin ay katulad ng sinag mula sa mga bituin. Kapag hinahangaan mo ang kagandahan ng isang mabituing gabi, maaari mong maisip na ang sandaling iyon ay iniayos para lamang sa iyo. Ngunit ang sinag mula sa pinakamalayo sa mga bituing iyon ay naglakbay sa loob ng ilang daang libong taon upang makatagpo lamang ng iyong mga mata sa pagsulyap mo sa itaas.
Samantala, ang pinakamalapit na mga bituin at kinailangan lamang na pagliwanagin ang kanilang mga sinag sa loob ng ilang taon lamang upang makarating sa iyo sa kaparehong panahon. Lahat sila'y bahagi ng isang sinaunang simponiya na isinaayos ng Diyos upang makarating sa iyo sa tamang panahon. Maaaring isipin mong ito'y tsambahan lamang, ngunit ikinumpas ng Diyos ang Kanyang baton upang simulan ang konsiyerto noong panahong ni hindi pa man lamang ipinagbubuntis ang iyong mga ninuno.
Ipagpalagay mong mabubuhay ka pa ng ilang daang taon, at nakahiga ka sa labas habang tinitingnan mo ang kalangitan at pinagmamasdan ang mga konstelasyong nagkakaroon ng mga hugis sa pagsapit ng gabi. Ang makalangit na konsiyertong iyon sa hinaharap ay nakasulat na, at ito ay tumatakbo nang mabilis patungo sa sandaling iyon sa hinaharap kung saan ikaw ay nasa bakuran ng iyong bahay na hindi mo pa man lang pagmamay-ari sa ngayon, sa isang gabing walang kaulap-ulap at sa tamang sandali ay tutungo ka sa labas.
Ganito rin isinasaayos ang damdamin ng Diyos para sa iyo. Matagal pa bago ka sumingap ng iyong unang hininga dito sa mundo, at bago mo pa nabasa ang pinakaunang taludtod na nabasa mo mula sa Biblia, at matagal pa bago ka man may ginawang karapat-dapat sa pagsang-ayon o sa kaparusahan mula sa Diyos -- sinusulat na Niya ang simponiya ng Kanyang pag-ibig para sa iyo -- para sa inyong lahat.
Kaya nga nang ang anghel ng Diyos ay nagsalita sa isang takot na takot at walang lakas na si Gideon na nagtatago sa pigaan ng ubas, sinabi niya, "ang Panginoon ay sumasaiyo, Magiting na Mandirigma." Hindi ito isang salitang pampasigla lamang. Hindi niya inuudyukan si Gideon upang kumilos nang may katapangan. Nakita na ng Diyos ang bawat bersiyon ni Gideon, kasama na ang kanyang pagiging mandirigma sa hinaharap kung saan kanyang wawasakin ang mga hindi makadiyos na diyus-diyusan ng kanyang ama at magsisimula ng isang matapang na pagsugod kasama ang isang mahinang hukbo upang palayasin ang kasamaang gumagambala sa Israel.
Kung binabalak mong magkaroon ng mas malalim na ugnayan sa Diyos kaysa sa kung anong mayroon ka na ngayon, kailangang matutunan mong tanggapin ang Kanyang pagmamahal na walang pasubali. Huwag mong dalhin ang iyong pag-aakalang ikaw ay may kasalanan. Nakita na ni Jesus ang lahat ng iyong mga kasalanan bago pa man Niya binuhat ang krus, at nagpakasakit Siya sa kabila ng lahat ng iyon dahil ang Kanyang pag-ibig para sa iyo ay naitatag na noon pa man.
Panalangin
Aking Diyos, tulungan mo akong maunawaan ang lalim at ang pagiging kumplikado ng Iyong pag-ibig. Mas kilala mo ako kaysa sa kaya kong unawain, ngunit mahal mo pa rin ako. Buksan mo ang aking mga mata upang makita ko ang munting sandaling iniayos mo para lamang sa akin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Undecided?](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F2898%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Hindi ka pa rin makapag desisyon tungkol sa Diyos? Hindi ka pa ba tiyak kung ano ang pinaniniwalaan mo? Gugulin mo ang mga susunod na pitong araw upang galugarin ang Biblia upang makita kung ano ang ipapahayag sa iyo ng Diyos tungkol sa Kanyang tunay na katangian. Ito ang pagkakataon upang ikaw mismo ang makabasa sa kasaysayang ito at makapag desisyon kung ano ang iyong paniniwalaan. Ang ideya patungkol sa Diyos ay masyadong mahalaga para ikaw ay hindi pa rin makapag desisyon.
More
Mga Kaugnay na Gabay
![Paghahanap ng Kapayapaan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3438%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paghahanap ng Kapayapaan
![Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang Pagbabago](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3828%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang Pagbabago
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![Kabalisahan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F15303%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Kabalisahan
![Ang Kaluwalhatian ng Hari](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3490%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Kaluwalhatian ng Hari
![Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F12737%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw
![Tagumpay Sa Kabila Ng Kahinaan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3594%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Tagumpay Sa Kabila Ng Kahinaan
![Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13048%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan
![Habits o Mga Gawi](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13743%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Habits o Mga Gawi
![Iniisip Ka Ni Lord](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54858%2F320x180.jpg&w=640&q=75)