Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagharap sa DalamhatiHalimbawa

Handling Grief

ARAW 3 NG 10

"Nasaan Ang Diyos Sa Lahat Ng Ito?”

Sa pinakamadilim na sandali ng buhay natin, maaari tayong mabuhay na puno ng hinanakit habang nagpapapadyak at niyayanig ang ating kamao sa Diyos dahil sa galit habang nagtatanong, "Nasaan ang Diyos sa lahat ng ito?" O, maaari nating ilagay ang ating pananampalataya sa pagkapanginoon ni Jesus sa buhay at kamatayan. 

Ang dahilan kung bakit naliligalig tayo kapag hindi tumutugon ang Diyos ayon sa ating mga kagustuhan ay dahil ang naisin natin ay ang kumilos ang Diyos ayon sa ating hudyat; gusto nating gawin Niya anuman ang hilingin natin; gusto nating manduhan Siya. Maaaring hindi natin ito masabi sa napakaraming salita, pero isang paraan ng pagsasabi ito na, gusto nating maging Diyos sa halip na hayaan ang Diyos na maging Diyos. Kaya patuloy ang ating pagrereklamo kapag hindi ginagawa ng Diyos ang hinihiling natin.

Lahat tayo ay gusto ng himala sa ating mga buhay. Ang mga himala ay maganda; pero hindi nito nilulutas ang pinakamalalim na problema natin. Oo, mas gugustuhin natin ng mabuting buhay kaysa sa isang buhay na mahirap; mas gusto natin ng isang normal na buhay kaysa sa buhay na magulo. Ngunit sa huli, wala sa atin ang magkakaroon ng kontrol na ninanais natin. Makakaranas tayo ng pagdadalamhati; haharapin natin ang kamatayan ng ating mga mahal sa buhay, ang ating mga anak ay makakaranas ng sakit at pagkabigo; ang ating mga buhay ay hindi tatakbo ayon sa ating balak. Ang buhay ay hindi magiging katulad ng ating iniisip, inaakala, at inaasahan.

"Isa sa mga bagay na makikita mo sa mga taong hindi pa nakaranas ng malaking pagdurusa ay ang paniniwala nila sa pagiging angkop," isinulat ni Dallas Willard. Tama siya. Kailangan nating isantabi ang mga maling kaisipan tungkol sa kung ano at paano natin inaasahan ang kamatayan ng ating mahal sa buhay — at kung paano ang ating pagdadalamhati — ay nararapat.

Ngunit ang kagandahan ng lahat ng ito ay ang paghahandog ni Jesu-Cristo ng isang bagay na higit pa at mas mabuti kaysa sa mga himala ng kalusugan at kagalingan sa mundong ito. Hindi natin kailangang makakita ng pagbuhay sa patay, katulad nina Maria at Marta. May katiyakan tayo na ang Diyos ay kasama natin. Maaari nating ilagay ang ating pagtitiwala sa mga salita ni Jesus na nagsabi, "Ako'y kasama ninyo sa tuwina, hanggang sa dulo ng mundo."

Pakatandaan na hindi lamang nakikiiyak sa atin ang Diyos. Dinadala Niya ang muling pagkabuhay at ang buhay mula sa kamatayan. 

Sa nangyari kina Jesus at Lazaro, si Jesus ang tunay na himala ng kuwento; Siya ang katapusan at ang ganap na sagot sa panalangin. Siya ang muling pagkabuhay at ang buhay. Hindi pagbabalik ng malay kundi muling pagkabuhay. Hindi pagbabaliktad kundi pagpapanumbalik. Tinalo ni Jesus ang kasalanan at ang kamatayan at ang impiyerno. 

Kapag naniwala tayo sa Kanya—na siyang sinasabi ni Juan sa kabuuan ng kuwento—magkakaroon tayo ng buhay, totoo, permanente, masagana, mahalaga, walang hanggang buhay. Kapag tayo'y namatay, mararanasan pa rin natin ang buhay na iyon. Ngunit kahit ngayon ay maaari nating maranasan ang buhay na iyon dahil mas malaki iyon sa buhay na alam natin at sa kamatayang kinatatakutan natin. “Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa Akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay, at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa Akin ay hindi mamamatay kailanman." 

Pagkatapos ay idinagdag ni Jesus, "Naniniwala ka ba sa sinabi ko?” Ito ang tanong na kailangan nating itanong sa ating mga sarili kapag may tanong tayo na "Nasaan ang Diyos sa lahat ng ito?"

Ang sagot sa katanungang ito ay Siya ay, at sa tuwina ay kasama natin, habang iniaalok sa atin ang muling pagkabuhay. Tatanggapin mo ba ang iniaalok Niya upang maranasan ang isang bagong buhay sa gitna ng kadalamhatian?

Sipi: "Kapag dumarating sa atin ang sakit at pagdurusa, hindi lamang natin nakikita na hindi natin kontrolado ang buhay natin at hindi natin ito nakontrol kahit kailan."– Timothy Keller

Panalangin: Panginoon, nagpapasalamat ako sa pagtulong Mo sa akin upang maunawaan ko na sa panahong nagtatanong ako tungkol sa Iyong presensya, napakalapit Mo. Tulungan Mo akong makita at paniwalaan ito. Amen.


Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Handling Grief

Kapag ang isang taong minamahal natin ay namatay, madalas ay maraming iba't ibang emosyon ang ating nararamdaman. Sa 10-araw na debosyonal na ito, matututunan natin kung paano natin kakayanin ang kalungkutan kapag ang ating mga mahal sa buhay ay kasama na ng Panginoon. Ang mga ito ay mga araling itinuro sa akin ng Panginoon nang ang aking pinakamamahal na asawa ay umuwi na sa langit noong katapusan ng Hunyo 2021.

More

Nais naming pasalamatan si Vijay Thangiah sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.facebook.com/ThangiahVijay