Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagharap sa DalamhatiHalimbawa

Handling Grief

ARAW 5 NG 10

Ang Kamatayan Ay Bahagi Ng Buhay

Ang kamatayan ay isang paksa na laging iniiwasan. Marami ang naaasiwa rito. Ang iba nga ay natatakot pa rito. Ngunit ang kamatayan ay bahagi ng buhay.

Si George Barnard Shaw ang nagsabing ang bilang ng mga namamatay ay napakalaki – “isa sa bawat isang tao ang namamatay.” Ang kamatayan ang tanging bagay na sigurado sa buhay na ito.

Hindi nangako ang Diyos na tayo o ang ating mga mahal sa buhay ay hindi mamamatay. Sa totoo lang, ang kabaligtaran nito ang Kanyang ipinangako--ang lahat ay mamamatay. Sinasabi sa atin ng Mga Hebreo 9:27 na “Itinakda sa mga tao na sila'y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.”

Ang lahat ay mamamatay. Walang sinirang pangako ang Diyos kapag hinahayaan Niyang mamatay ang mga tao. Hinayaan lamang Niya na ang sinabi Niya na mangyayari, ay mangyari. Simula noong dinala nina Adan at Eva ang kamatayan at pagkabulok sa ating mundo, ang kamatayan ay naging bahagi na ng kasunduan. Kaya, kailangan nating maging handa sa kamatayan.

Sa Juan 11:11, makikita natin kung paanong naging maingat si Cristo sa pagsasalita tungkol sa kamatayan ng mga mananampalataya. Ipinahayag Niya ang kamatayan ni Lazaro sa isang pananalitang maganda at mahinahon—“Ang ating kaibigang si Lazaro ay natutulog.”

Sinasabi sa atin ng mga sikologo na ang Thanatophobia, ang takot sa kamatayan, ang ugat ng lahat ng iba pang mga takot. Kung ikaw ay may espiritu ng takot, hindi mo nakuha ito sa Diyos. Inaalis mo ang takot sa iyong buhay sa pamamagitan ng pagpapalit dito ng pananampalataya. Kapag dumating ang pananampalataya, ang takot ay umaalis! Umaalis ang takot kapag dumating ang pananampalataya!

Inalis na ni Jesus ang kapangyarihan ng kamatayan para sa mga taong tinanggap Siya bilang kanilang Tagapagligtas (1 Mga Taga-Corinto 15:55-57). Sa pamamagitan ng pagtatagumpay ni Jesus laban sa kamatayan, "pinalaya niya ang lahat ng tao na habang panaho'y inalipin ng takot sa kamatayan” (Mga Hebreo 2:14-15). Para sa anak ng Diyos na nagtitiwala sa Panginoon, wala nang takot na dala ang kamatayan, kundi nagbibigay ito ng maluwalhating pag-asam sa kalayaan mula sa mga limitasyon ng buhay dito sa mundo tungo sa malayang buhay sa kalangitan. Katulad ng sinabi ni Pablo, "kung mamatay man ako, kapakinabangan ito sa akin" (Mga Taga-Filipos 1:21).

Noong kunin ng kanser ang asawa ni Donald Barnhouse, kung saan naiwan sa kanya ang tatlong mga anak niyang wala pang 12 taong gulang, pinag-isipan niya kung paanong makapagbibigay ng isang mensahe ng pag-asa sa kanyang mga anak. Noong sila ay papunta na sa burol, isang malaking trak ang lumampas sa kanila, na naglagay ng kapansin-pansing anino sa kanilang sasakyan. Tiningnan niya ang kanyang panganay na anak na babae, na noon ay malungkot na nakatitig sa labas ng bintana, at tinanong ito ni Barnhouse, "Sabihin mo sa akin, anak, mas gusto mo bang masagasaan ka ng trak na iyon o ng anino nito?" Tumingin ito sa ama nang may pagtataka, at sinabi, "Siguro, sa anino nito. Hindi ka masasaktan nito." Nagsalita siya sa kanyang mga anak, at sinabi, "Hindi winasak ng kamatayan ang inyong ina, kundi ng anino ng kamatayan. Walang dapat ikatakot."

Ang pagbibilang ng mga araw patungo sa kamatayan ay nagsisimula sa kapanganakan. Ang Biblia ay hindi natatakot na magsalita patungkol sa kamatayan: tinatawag niya ito kung ano ito. Ngunit sa pinakasentro ng Cristianismo ay ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus.

Sa krus inilagay ni Jesus ang kalungkutan at pagdurusa ng mundo; naranasan Niya rito ang mapabayaan at ang kalaliman ng kamatayan. Sa muling pagkabuhay, winasak ni Jesus ang kapangyarihan ng kamatayan; hindi na ito isang katapusan na umaaligid sa sangkatauhan; ito ay nabago sa Kanya at nag-aalok Siya sa atin ng buhay na walang hanggan.

Kung ang ating teolohiya ay nakatuon lamang sa krus, hindi natin mararanasan ang pag-asa at kagalakan ng Ebanghelyo.

Kung ang teolohiya natin ay patungkol lamang sa muling pagkabuhay, hindi natin mauunawaan ang pagdurusa o ang kabuluhan nito, lalo nang hindi tayo magiging komportable tungkol dito.

Kailangan natin pareho – ang krus at ang muling pagkabuhay.

Sipi: Kung saan tinanggal na ang kasalanan, ang tanging nagagawa ng kamatayan ay ang putulin ang buhay sa mundo at simulan ang pangkalangitan.-John MacArthur

Panalangin: Panginoon, pinasasalamatan kita dahil hindi katapusan ang kamatayan, kundi ito ay simula ng buhay. Amen


day_5
Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Handling Grief

Kapag ang isang taong minamahal natin ay namatay, madalas ay maraming iba't ibang emosyon ang ating nararamdaman. Sa 10-araw na debosyonal na ito, matututunan natin kung paano natin kakayanin ang kalungkutan kapag ang ating mga mahal sa buhay ay kasama na ng Panginoon. Ang mga ito ay mga araling itinuro sa akin ng Panginoon nang ang aking pinakamamahal na asawa ay umuwi na sa langit noong katapusan ng Hunyo 2021.

More

Nais naming pasalamatan si Vijay Thangiah sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.facebook.com/ThangiahVijay