Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagharap sa DalamhatiHalimbawa

Handling Grief

ARAW 6 NG 10

Ang Diyos Ay Nakaupo Pa Rin Sa Trono

Kapag ang kamatayan ay dumarating sa hindi inaasahang paraan, halimbawa ay sa pamamagitan ng biglaang aksidente, o kaya naman ay sa kaso ng isang batang biglang namatay, lagi nating naiisip na hindi ito dapat nangyari. Nasasadlak tayo sa hindi inaasahang kapalaran. Ang pagkbiglang ito ay nagbibigay sa atin ng pakiramdam na til kahit ang Diyos ay nagulat din, dahil hindi Niya tayo binigyan ng sapat na babala o panahon ng paghahanda, katulad ng kapag nalaman nating may malubha tayong karamdaman at may taning na ang ating buhay.

Ngunit tinitiyak sa atin ng Diyos na ang Diyos ang may lubos na kapangyarihan sa buhay at kamatayan. Hindi Siya kailanman nabibigla, hindi Siya kailanman nagugulat sa mga pangyayari. Hindi, itinatalaga ng Diyos ang lahat ng bagay hanggang skaliit-liitang detalye. Ito ang katotohanang nagdadala ng kapayapaan at kapahingahan sa pusong nagugulat sa napakasakit na dagok ng biglaang pagkamatay.

Sinasabi ng Mateo 10:29-31 na “Hindi ba't ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. At kayo, maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”

Ito'y isang napakahalaga at malalim na katotohanang kailangang kumintal sa nagdadalamhating puso.

Isinulat ni J.C.Ryle na “Maligaya ang taong lumalakad sa mga hakbang ng Panginoon, at nagsasabi, “Matatamasa ko kung anong mabuti para sa akin. Mabubuhay ako dito sa mundo hanggang matapos ang aking gawain, at hindi na sosobra pa rito. Kukunin ako kapag ako'y hinog na para sa kalangitan, at hindi kahit isang minuto bago pa rito. Ang lahat ng kapangyarihan sa mundo ay hindi makukuha ang aking buhay, hanggang hindi pinapayagan ng Diyos. Ang lahat ng mga doktor sa mundo ay hindi kayang panatilihin ito, kapag tinawag na ako ng Diyos.”

Sa nangyari kay Lazaro, sinasabi ng Biblia, "Hindi niya ikamamatay ang sakit na ito. Nangyari iyon upang maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nito'y maparangalan ang Anak ng Diyos."

May pagkakaiba sa pagsasabi ng Diyos ng oo sa iyong panalanginpara sa iyong tiyak na pangangailangan at sa pagsasabi Niya ng oo upang maipakita ang Kanyang kaluwalhatian. Nakatitiyak tayo na ang ating paniniwala sa pangako ni Jesus ay nangangahulugan na darating ang araw na mauunawaan natin kung paanong ginagmit ng Diyos ang ating kirot na nararamdaman upang maluwalhati Siya. 

Ang buhay ay hindi titigil sa pagdadala ng kirot, ngunit hindi rin naman titigil si Jesus sa Kanyang pagkalinga. Kung magtitiwala ka sa Kanya, ipapakita Niya ang Kanyang kaluwalhatian.

Tandaan na ang kamatayan ay hindi ang katapusan. Tandaan din na maaaring may kahulugan ang trahedyang ito. Na ang kamatayan ay hindi magiging walang kahulugan.

Ang trahedya ng paniniwalang walang Diyos ay ang kasukdulang walang kahulugan. Ang kamatayan ang huling trahedya, dahil ito ng pinakawakas ng buhay. Ngunit ang ating mga puso ay tumututol dito. Gusto natin, kailangan nating magkaroon ng kahulugan, kahit maging sa trahedya. At sa ebanghelyo, matatagpuan natin ito.

Binibigyan tayo ng katiyakan ng Mga Taga-Roma 8:28 na "sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.ives us the assurance that.”

Nawa'y gamitin ng Panginoon ang Gabay na ito upang maniwala kang ang Diyos ay nasa trono pa rin at ang ilan sa mga pinakamabubuting araw mo ay mangyayari pa lamang, mga araw na puno ng kahulugan at kabuluhan, habang hinahayaan mo Siyang gamitin ang iyong mga kirot upang tulungan at palakasin ang loob ng ibang to. At iyan ang kaluwalhatiang nagbibigay-kahulugan sa buhay.

Sipi: “Ang Diyos ay bumubulong sa atin sa ating mga kasiyahan, nangungusap sa ating konsensya, ngunit sumisigaw sa ating kirot: at iyon ang Kanyang malakas na tinig upang gisingin ang nabibinging daigdig.” C.S.Lewis

Panalangin: Panginoon, nagpapasalamat ako dahil Ikaw pa rin ang nasa trono at maging sa pagkawala ng aking mahal sa buhay, maluluwalhati ang Iyong pangalan at gagawa Ka ng mabuting bagay sa buhay ko. Amen 


Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Handling Grief

Kapag ang isang taong minamahal natin ay namatay, madalas ay maraming iba't ibang emosyon ang ating nararamdaman. Sa 10-araw na debosyonal na ito, matututunan natin kung paano natin kakayanin ang kalungkutan kapag ang ating mga mahal sa buhay ay kasama na ng Panginoon. Ang mga ito ay mga araling itinuro sa akin ng Panginoon nang ang aking pinakamamahal na asawa ay umuwi na sa langit noong katapusan ng Hunyo 2021.

More

Nais naming pasalamatan si Vijay Thangiah sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.facebook.com/ThangiahVijay