Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagharap sa DalamhatiHalimbawa

Handling Grief

ARAW 2 NG 10

Okay Lang Na Magkaroon Ng Mga Katanungan

Maaaring may mga ilang katanungan ka rin tungkol sa kamatayan at pagkamatay. Okay lang na makaramdam ng pagkaasiwa, pagkalungkot o pagkagalit kapag may isang namamatay, at okay lang na magtanong.

Sina Marta at Maria ay nagdadalamhati. Ang kanilang kapatid na si Lazaro ay namatay at inilibing nila apat na araw na ang nakakaraan. Nagpadala sila ng mensahe kay Jesus upang sabihin sa Kanya ang tungkol sa karamdaman nito. Inasahan nilang magmamadali si Jesus upang tulungan sila. Tiyak na may magagawa sana Siya. Ngunit lumipas ang mga araw at hindi dumating si Jesus at ngayon nga ay patay na at nakalibing na si Lazaro. At sila at ang kanilang mga kaibigan ay nagdadalamhati. 

Kaya't nang dumating si Jesus upang bisitahin sila pagkatapos mamatay si Lazaro, sinabi ni Marta kay Jesus, "Kung kayo po ay narito, buháy pa sana ang kapatid ko." 

Ipinahayag ni Marta ang kanyang galit sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Maraming tao ang tulad ni Marta—nagagalit sila kapag may malapit sa kanilang namatay. At mahalagang makita na hindi nainis si Jesus kay Marta noong magalit ito. Nauunawaan ni Jesus na natural para sa atin ang magalit kapag may mahal sa buhay tayong namatay. Nauunawaan ng Diyos ang ating nararamdaman.

May mga tanong na 'kung' o mga tanong na 'bakit' ka ba sa Diyos tulad ng, "Panginoon, kung narito Ka lang sana, hindi magkakasakit ang aking ina. Ang aksidente ay hindi mangyayari kung... Bakit namatay ang aking minamahal sa buhay? Bakit namatay ang aking asawa? Bakit dumating sa amin ang ganitong trahedya? Kung dinala ko ba agad ang asawa ko sa ospital, maiiligtas ba siya? Kung mas naalagaan ko ba siyang mabuti, buhay pa kaya siya ngayon? Bakit hindi tinugon ng Diyos ang aking mga panalangin? Nasaan ang Diyos sa lahat ng nangyaring ito? Bakit hindi nagpakita ang Diyos?"

Tanungin ang mga tanong na bakit. Kahit na may mga bagay na alam mong walang katuturan kung iisipin. Kahit na may makuha kang mga medikal na kadahilanan o ibang impormasyon na nagpapaliwanag ng kamatayan, ang mga sagot ay hindi sapat.

Iba ang naging reaksyon ni Maria kaysa kay Marta. Napakaraming pag-iyak at paghagulgol ni Maria. Maaaring galit din siya, pero mas nanaig sa kanya ang lungkot. Sinasabi ng Biblia na lumapit si Maria kay Jesus, nagpatirapa sa Kanyang paanan, at umiyak nang umiyak. Hindi niya pinigil ang kanyang mga luha. At pansinin na hindi siya sinabihan ni Jesus na tumigil sa pag-iyak. Nauunawaan ni Jesus ang ating kalungkutan. Likas at karaniwan para sa atin ang malungkot kapag ang isang mahal sa buhay natin ay namatay.

Ang kamatayan ay maaaring magdala sa atin upang makaramdam ng iba't ibang damdamin. Iba't iba ang reaksyon ng mga tao sa kamatayan. Sa pamamagitan ng Kanyang reaksyon sa Kanyang mga kaibigang nagdadalamhati, sinasabi ni Jesus, "Okay lang iyan. Iba't iba ang pagtugon ng bawat isang tao." Hindi hinatulan ni Jesus ang galit ni Marta o ang kalungkutan ni Maria. Gusto ni Jesus na malaman natin na Siya ay lagi nating kasama, inaaliw at hinihikayat tayo sa tuwing tayo ay nagdadalamhati.

Kaya't sige na. Gumugol ng ilang sandali upang magtanong sa Diyos. Nauunawaan Niya. Kapag napagtanto mong hindi ka kailanman makakahanap ng sapat na sagot sa "bakit," hayaang ang iyong "bakit" ay lumipat sa paano. Paano ako makakaabante pagkatapos ng pagkawalang ito?

Magugulat kang malaman na hindi ka nag-iisa sa iyong mga alinlangan at pinapalaya ka upang ipahayag ang iyong totoong nadarama sa Diyos. Magkakaroon ka ng kapanatagan sa kaalamang ang puso ni Jesus ay nababagbag tulad ng pagkabagbag ng puso mo. At kapag natuklasan mo kung paanong maranasan ang Kanyang pinakamatalik na pangangalaga, malalaman mo kung bakit ang iyong pagdurusa ay nangangahulugang ang iyong pinakamalaking epekto at impluwensya sa Diyos ay nasa harapan mo. 

Sipi: Ang pananampalataya ay sinasadyang pagtitiwala sa kalikasan ng Diyos kung saan ang mga pamamaraan Niya ay hindi mo maunawaan sa oras na iyon. – Oswald Chambers

Panalangin:Panginoon, nagpapasalamat ako dahil hindi ka naiinis kapag nagtatanong ako sa Iyo. Tulungan Mo akong makatagpo ng kapahingahan sa Iyo, sa kabatirang hindi ko man makuha lahat ng mga sagot, Ikaw pa rin ang may kapamahalaan. Amen. 


Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Handling Grief

Kapag ang isang taong minamahal natin ay namatay, madalas ay maraming iba't ibang emosyon ang ating nararamdaman. Sa 10-araw na debosyonal na ito, matututunan natin kung paano natin kakayanin ang kalungkutan kapag ang ating mga mahal sa buhay ay kasama na ng Panginoon. Ang mga ito ay mga araling itinuro sa akin ng Panginoon nang ang aking pinakamamahal na asawa ay umuwi na sa langit noong katapusan ng Hunyo 2021.

More

Nais naming pasalamatan si Vijay Thangiah sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.facebook.com/ThangiahVijay