Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Battlefield of the Mind Devotional (Filipino)Halimbawa

Battlefield of the Mind Devotional

ARAW 3 NG 14

Habang Tayo Ay Nakatuon

May natutunan akong napakahalagang aral ilang taon na ang nakalilipas: Anuman ang ating pagtuunan ng pansin, ay magiging tayo. Malaki ang naituro sa akin ng simpleng pahayag na ito. Ang mga bagay na ating pinagsisikapan at binigyang-pansin ay siya ring lalago. Ika ko nga, "Kung saan nagtutungo ang isipan, sumusunod ang tao!"

Kapag pumasok sa isip ko ang sorbetes, maya-maya lamang ay maghahanap na ako ng sorbetes. Ang aking mga kaisipan ay pumupukaw sa aking mga naisin at damdamin, at magpagpapasya akong sundin ang mga ito.

Kapag itinuon lamang natin ang ating isipan sa mga negatibong bagay sa ating buhay, nagiging negatibo tayo. Ang lahat-lahat, kasama ang ating pakikipag-usap, ay nagiging negatibo. Maya-maya nawawala na ang ating kagalakan at ang buhay natin ay nagiging miserable—at itong lahat ay nagsimula sa ating sariling isipan.

Maaaring nakararanas ka sa buhay mo ngayon ng mga suliranin—at hindi mo napagtatanto na ikaw mismo ang lumilikha ng mga ito dahil sa mga bagay na pinipili mong isipin. Hinahamon kita na pag-isipan ang mga bagay na nasa pinag-iisipan mo!

Maaaring nawawalan ka na ng pag-asa at nalulumbay at nagtataka kung ano ang dahilan nito. Subalit kung susuriin mo ang iyong mga pinag-iisipan, makikita mo na ikaw mismo ang nagpapalala ng mga negatibong emosyon na nararamdaman mo. Ang mga negatibong pag-iisip ay nakapagpapahina ng loob, nagdudulot ng kalumbayan, at marami pang hindi kanais-nais na damdamin.

Kailangan nating maingat na piliin ang ating mga iniisip. Maaari nating isipin kung ano ang mali sa ating buhay o kung ano ang tama dito. Maaari nating isipin kung ano ang mali sa lahat ng taong may kaugnayan sa atin o maaari nating tingnan kung ano ang mabuti at bulay-bulayin ang mga ito. Itinuturo sa atin ng Biblia na laging pagtiwalaan ang pinakamabuti. Kapag gingawa natin ito, nagiging mas maligaya at payapa ang ating buhay.

Manalangin: Mahal kong Diyos na matiyaga at mapagmahal, patawarin po Ninyo ako sa pagtutuon ng aking pag-iisip sa mga bagay na hindi kasiya-siya sa Inyo. Tulungan po Ninyo akong punuin ang aking isipan ng mga bagay na malinis at dalisay at nakapagpapasigla. Sa pangalan ni Jesus. Amen.

Mula sa aklat na "Battlefield of the Mind Devotional" ni Joyce Meyer. Copyright © 2005 ni Joyce Meyer. Inilathala ng FaithWords. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Battlefield of the Mind Devotional

May mga bagay na dumarating sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Kapag nagsimula na ang kaguluhan sa iyong isipan, gagamitin ng kaaway ang lahat ng sandatang nasa kanya upang pahinain ang iyong ugnayan sa Diyos. Ngunit hindi mo kailangang maging biktima niya. Ang debosyonal na ito ay mabibigay sa iyo ng mga inspirasyong puno ng pag-asa na tutulong na mapagtagumpayan mo ang galit, pagkalito, paghatol, takot, pag-aalinlangan…at iba pa. Ang mga kaalamang ito ay makatutulong sa iyo na maisiwalat ang balak ng kaaway na ikaw ay lituhin at linlangin, harapin ang mga mapaminsalang pag-iisip, magtagumpay sa pagbabago ng iyong kaisipan, magkaroon ng kalakasan, pag-asa, at pinakamahalaga, magtagumpay sa bawat digmaan na nasa iyong isipan. Ikaw ay may kapangyarihang lumaban at ito ay mahalagang magawa mo… kahit na paunti-unti araw-araw!

More

Nais naming pasalamatan ang Joyce Meyer Ministries sa pagbabahagi ng debosyonal na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: www.joycemeyer.org