Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 19 NG 40

Sa mga panahon ng takot, mas malamang nating maramdamang kapos tayo sa lakas. Kaya tayong baldahin ng takot at magsanhing pagtakhan kung paano pa nating nakayanang magpatuloy. 

Hindi kailanmang ganito ang nararamdaman ng Diyos. Kahit sa mga pinakamadilim na sitwasyon, ang ating Diyos ay malakas. Siya ang ating tagapagligtas. Siya ang ating tagapagtanggol. Hindi Siya kailanman mapapagod o manghihina. Wala tayong dapat katakutan kapag nakasandal tayo sa kapangyarihan at kakayahan ng ating Makapangyarihang Diyos.

Kapag umaasa tayo sa Kanya, kinakarga Niya tayo. Nananabik Siyang ilagay natin ang ating mga pasanin sa Kanyang paanan, magtiwalang Siya ang ating kapangyarihan at kalakasan. Palagi Siyang mananaig para sa atin, kahit hindi sa paraang ating inaasahan. Siya ay tapat at Siya ay makapangyarihan. Wala tayong dapat katakutan dahil ang Diyos ang nag-iingat sa ating mga buhay.  

Diyos Ama, salamat dahil binibigyan Mo ako ng lakas na makapagpatuloy kahit wala na akong nalalabing lakas. Salamat dahil sinasabi Mong maaari akong lumapit sa Iyo kahit kailan. Patawarin ako sa mga panahong nagdududa akong maaari akong lumapit sa Iyo na dala ang aking mga problema. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 18Araw 20

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/