Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 1 NG 40

Sa mga sandaling may takot, pakiramdam natin ay hindi tayo makausad. Sa maraming pagkakataon, ang ating pagkabagabag patungkol sa hinaharap ang humahadlang sa ating makita ang anumang mga oportunidad para sa Diyos na gumawa para sa atin. 

Ito ang nangyari sa Juda. Dinanas nila ang pagkatalo at inalis sila mula sa kanilang lupain. Hindi nila alam ang kanilang kinabukasan. Sa pamamagitan ng mga salita ni Jeremias, ipinangako ng Diyos sa bayang ito ang isang kinabukasang lubos na mas mainam pa sa kaya nilang isipin. Kasama rito ang muling pagtitiwala sa Kanya.

Sa Jeremias 29:11, makikita natin ang kalikasan ng Diyos. Siya ay Diyos na nakakaalam ng ating kinabukasan at gumagawa ng mga planong ikabubuti natin, hindi ikakasama. Mayroon Siyang kinabukasang nakaplano para sa atin na makakapagpalago ng ating pananampalataya, maglalapit sa atin sa Kanya, at magdudulot ng karangalan sa Kanyang pangalan. 

Sa anong aspeto ng buhay mo ngayon ka nakakaranas ng takot at kabalisahan patungkol sa kinabukasan? Kapag nahihirapan tayo sa kakaisip patungkol sa kinabukasan, nakakatulong ang tandaang naglilingkod tayo sa isang mapagmahal na Diyos na may plano para sa atin. Anong mga katangian ng Diyos ang kailangan mong pagtiwalaan ngayon habang dumedepende sa Kanya para sa iyong kinabukasan?

Diyos Ama, salamat dahil ipinapakita Mo sa akin sa Iyong Salita na alam Mo na ang mga planong mayroon Ka para sa akin. Tulungan akong maitatag ang pagtitiwala ko sa Iyo bawat araw sa pamamagitan ng pagdedepende sa kung sino Ka. Patawarin ako sa mga panahong pinagdudahan ko ang Iyong kabutihan at Iyong katapatan. Salamat sa pagmamahal Mo sa akin sa kabila ng aking mga takot. Patuloy na ilahad sa akin ang Iyong layunin sa aking buhay sa Iyong takdang panahon. Sa pangalan ni Jesus, amen.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/