Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa
![Love God Greatly: Fear & Anxiety](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F19262%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Parang sa tuwing makikinig tayo ng balita, may isa na namang kuwento ng sakuna. Isang natural na tugon sa iba't -ibang mga kalamidad tulad ng baha, sunog, lindol, at digmaan ay takot. Kapag tumingin tayo sa Banal na Kasulatan, ipinapakita sa atin ng Espiritu Santo na Siya ang ating mapagtitiwalaan. Samantalang hindi Siya nangangako na walang sakunang darating, bilang mga mananampalataya, hindi tayo matitinag kahit ang pinakamasaklap pa ng maganap.
Nagturo si Jesus ng isang talinhaga tungkol sa isang lalaking nagtayo ng bahay sa isang pundasyong bato. Sa talinhagang ito, humukay siya sa buhangin hangga't sa maabot niya ang bato. Pagkatapos, nang dumating ang bagyo, nanatiling nakatayo ang bahay niya. Kapag ang ating buhay ay nakatayo sa Bato na si Cristo, magkakaroon tayo ng katiwasayan at katatagang harapin ang mga pagsubok at paghihirap.
May mga aspeto ba ng buhay mong kapos ka sa kumpiyansa sa iyong pinagtitiwalaan? Kapag kapos tayo sa katiyakan, kailangang-kailangan nating patuloy na alalahanin na ang Panginoon ang ating pinagtitiwalaan. Ang Diyos natin ang mananatiling hindi matitinag sa kabila ng ating kalagayan.
Diyos Ama, salamat sa pagbibigay Mo sa akin kay Cristo bilang aking matibay na pundasyon. Pinupuri Kita para sa Iyong proteksyon. Tulungan akong patuloy na itayo ang aking pananampalataya bawat araw, kahit nahihirapan akong ibaling ang aking paningin mula sa aking kalagayan papunta sa Iyo. Tulungan akong pumayapa at pakinggan ang Iyong tinig. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Love God Greatly: Fear & Anxiety](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F19262%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!
More