Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 5 NG 40

Bahagi ng likas ng tao ang damdaming kailangang makontrol ang ating buhay at kalagayan. Hindi tayo mapalagay at napupuyat kapag ang buhay ay hindi ayon sa kagustuhan natin. Pinaalalahanan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na ang pamumuhay nang may kabalisahan patungkol sa kinabukasan ay kakulangan ng pananampalataya sa Kanya. 

Nang ang isang binatang mayaman ang nagpasyang hindi isuko ang kanyang kayamanan at sumunod kay Jesus, tinagubilinan ni Jesus ang Kanyang mga alagad sa kung ano ang tunay na mahalaga sa buhay. Ang buhay ng tagasunod ni Jesus ay hindi patungkol sa kaginhawahan: ito ay patungkol sa pagpapakilala ng Kanyang pangalan. Kapag namumuhay tayo sa layuning itanyag ang pangalan ni Jesus, ibibigay Niya ang ating mga pangangailangan. Ang ating Ama sa Langit ay palaging magbibigay sa atin tulad ng palagi Niyang pagbibigay sa mga ibon. 

Hangad ng Diyos na malaman natin kung gaano Siya nagmamalasakit sa atin. Mapagtitiwalaan natin Siyang magtustos sa atin. Ang probisyon Niya ay maaaring hindi kasaganaan ng salapi sa bangko o malaking bahay, ngunit nangangako Siyang tutugunan ang ating mga pangangailangan.  

Sa anong aspeto ng buhay mo ikaw nahihirapang paniwalaang magtutustos ang Diyos? Nais ka Niyang pangalagaan. Kapag tumingin tayo sa Kanya imbes na sa mga makalupang sagot, mas nagliliwanag ang landas. Paano mo magagawang pagsikapang pagharian muna Niya kaysa mabalisa patungkol sa kinabukasan?

Diyos Ama, Salamat sa Iyong kabutihan. Salamat sa labis na pagmamahal sa akin na alam Mo na ang Iyong plano sa buhay ko. Tulungan akong magtiwala sa Iyo sa pamamagitan ng pagsuko ng aking mga kagustuhan at hangarin upang makatuon sa Iyo at sa Iyong kaharian. Itatag ang aking pananampalataya nang mas mapagsikapan kong hanapin Ka. Sa pangalan ni Jesus amen. 

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/