Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 9 NG 40

Si David, ang haring tinawag na isang lalaking ayon sa puso ng Diyos at may-akda ng Awit 94, ay tinablan din ng kabalisahan. Ang haring hinirang ay gumugol ng ilang taon sa pagtakbo mula kay Haring Saul at pagtatago sa mga kuweba upang mailigtas ang buhay niya. Walang nagawa si David para maging karapat-dapat ng pagseselos o agresyon ni Saul. Siya ay biktima ng sariling pagkamakasalanan ni Saul. Gayon pa man, kahit sa pinakamadidilim na tagpo ng buhay ni David, bumaling siya sa Diyos para sa kanyang kagalakan at kalakasan. 

Si David ay isang lalaking ayon sa puso ng Diyos dahil sa abilidad niyang unahin ang relasyon niya sa Diyos nang higit sa lahat. Matututunan natin kay David na hindi natin kayang takasan ang mga nakakatakot na panahon. Sa mga panahong iyon, maaari tayong bumaling sa Diyos na maging ating kaaliwan at kagalakan. Sasamahan tayo ng Diyos sa ating mga panahon ng kaguluhan.

Kung minsan, may mga pangyayari sa buhay na mapagpahirap o mapangambala na hindi inaasahan. Sa mga panahong ito, maaaring may pisikal, emosyonal, at espirituwal na sakit. Naglilingkod tayo sa isang Tagapagligtas na nag-aalis ng kapanglawan para sa atin at nagpapasan ng ating mga kabigatan. May Ama tayo sa langit na umaaliw sa atin at nagbibigay ng kagalakan kapag tayo ay lubusang nalulumbay at nasisindak.

Diyos Ama, salamat na Ikaw ang aking kaaliwan at kagalakan. Sa mga araw na ako ay nasisindak, dalhin ang aking sakit para sa akin. Kapag ako ay nanghihina, maging aking kalakasan. Kapag hindi ko na kayang manalangin, mamagitan para sa akin. Tulungan akong patawarin ang mga nakasakit sa akin at tulungan akong matunton ang mga panahong nasaktan ko ang iba. Sa pangalan ni Jesus, amen. 

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/