Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 12 NG 40

Kapag sinasabihan tayo ng Diyos na huwag matakot, hinihingi Niya sa ating pagtiwalaan Siya kahit na walang kasiguruhan sa ating sitwasyon. Inuutusan din tayo ng Diyos, bilang Kanyang mga anak na galangin at sundin Siya. Ito'y hindi isang pasibong tugon ng kaduwagan. Bagkus, ito ay aktibong pagsasagawa ng pagsamba. 

Ang paraan kung paano sumamba ang mga Israelita noong Araw ng Pagtubos sa Kasalanan ay nagpakita nitong sukdulang diwa ng paggalang sa Makapangyarihang Diyos. Noong namatay si Jesus, ang tabing ng Dakong Kabanal-banalan ay napunit, at ang lahat ay nabigyan ng karapatang lumapit sa Diyos. Gayon pa man, ang kautusang galangin at sundin ang Diyos ay nananatili. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay upang udyukan tayong lalong kilalanin at mahalin Siya habang sinisikap nating makapamuhay ng isang buhay na masunurin sa Kanyang mga kautusan. 

Inuutusan tayo ng Diyos na galangin at sundin Siya, hindi upang mapalayo tayo sa Kanya, kundi upang magkaroon tayo ng mas malinaw na pagkaunawa ng kung sino Siya. Kapag ginagalang at sinusunod natin ang Panginoon dahil sa kung sino Siya at sa mga nagawa Niya, lumalago tayo sa pagkaunawa ng Kanyang kabanalan. Imbes na matakot, lumalago tayo sa pananampalataya dahil ganap at lubos nating inilalagay ang ating pagtitiwala sa Kanya.

Diyos Ama, salamat sa pagiging Makapangyarihang Diyos Mo na maaari kong paglagyan ng aking pagtitiwala. Pinupuri Kita sa Iyong kabanalan. Salamat na maaari akong lumapit sa Iyo sa pamamagitan ng Iyong Anak. Ama, tulungan akong lumago sa aking pagtitiwala habang isinasaalang-alang ang Iyong kabanalan. Sa pangalan ni Jesus, amen. 

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/