Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Sa pagtatapos ng ating pag-aaral patungkol sa takot at kabalisahan, maaaring hindi pa rin natin alam kung bakit kumakaharap tayo ng mga panahon ng takot o nakakaranas ng kabalisahan. Alam nating may Ama tayo na higit sa lahat ay nagmamahal sa atin. May plano na Siya sa buhay natin bago pa man tayo ipanganak.
Ang ating tungkulin ay pagtiwalaan Siya, kahit hindi natin naiintindihan ang ating sitwasyon. Marapat natin Siyang tangkilikin na ating Makapangyarihang Panginoong may kapangyarihan sa lahat. Kapag pinagtitiwalaan natin Siya, binabago tayo ng ating pananampalataya. Binibigyan tayo nito ng pag-asa at bagong perspektibo.
Paano mo naranasan ang bagong perspektibo nitong nakalipas na anim na linggo? Sa anong aspeto ng relasyon mo sa Diyos ka lumago? Sa pagharap mo sa mahihirap na sitwasyon sa hinaharap, pagtiwalaan mo ang pagkatao ng Diyos kaysa sa sariling karunungan habang patuloy na lumalakad sa pananampalataya.
Diyos Ama, salamat sa Iyong karunungan at kagandahang-loob. Salamat sa kung paano Mo ginagabayan ang aking paglalakad, kahit sa mahihirap na panahon. Salamat sa kagalakan na Ikaw lamang ang makakapagbigay. Tulungan akong patuloy na lumakad sa pananampalataya habang lumalago sa pagtitiwala sa Iyo. Salamat sa Iyong Anak, na kung kanino ako nakakasumpong ng kapayapaan. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!
More