Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Sinasabihan tayo ng Mga Taga-Roma12:21 na huwag magpadaig sa masama. Huwag nating pahintulutan ang kasamaang daigin tayo o pagnakawan ng ating kagalakan. Bagkus, dapat nating daigin ang kapangyarihan ng kasamaan sa pamamagitan ng pagsasalamin kay Cristo sa ating paraan ng pamumuhay. Dinadaig natin ang kasamaan, hindi lang sa paninindigan laban sa mga umaabuso ng kapangyarihan, kundi sa pagpapanatili rin ng ating mga buhay na malaya sa mga bagay na madaling maglayo sa atin mula sa Diyos.
Paano ka makakapagpakita ng kabaitan sa iyong pamayanan ngayong linggo? Huwag mong pahintulutan ang kasamaang siraan ka ng loob sa pagbabahagi ng pag-ibig ni Cristo. Inilagay ka rito ng Diyos upang gumawa ng mabuti at bigyan Siya ng luwalhati. Makakaya nating daigin ang kasamaan sa pamamagitan ng pagpapatuloy at pagtitiwala sa Diyos na nagkakaloob sa atin ng lakas.
Diyos Ama, salamat sa katotohanang Ikaw ang aming Dakilang Tagapagdaig. Pinupuri Kita sa pagbibigay sa akin ng kakayahang daigin ang kasamaan ng kabutihan. Salamat dahil Ikaw ang lumalaban para sa akin. Tulungan akong palaging tandaan na kasama Kita. Tulungan akong magsilbing ilaw ni Cristo saan man ako pumunta. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!
More