Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Ngayong patapos na tayo sa ating pag-aaral, marami na tayong tiningnang mga sipi mula sa Banal na Kasulatang tumatalakay sa kung paano tayo makakasumpong ng tulong sa mga panahon ng takot at kabalisahan. Ilang linggo na ang iginugol natin sa pagninilay sa Salita ng Diyos at pagpapahayag ng Kanyang mga pangako. Kung hindi natin susundin ang Kanyang Salita, nagsayang lang tayo ng panahon. Pinapaalalahanan tayo ng Biblia ng kahalagahan ng paggawa ayon sa ating pananampalataya. Kung nakikinig lang tayo nito ngunit hindi sumusunod dito, walang magbabago sa ating buhay. Ngunit kung isasagawa natin ang ating natutuhan, mararanasan natin ang kalayaang mula sa Diyos. Magsisimula tayong lumago sa relasyon natin kay Cristo at lumalim sa pagkaunawa ng Kanyang pagkatao. Masisimulan nating maranasan ang kapayapaan.
Ang pagsasagawa ayon sa Salita ng Diyos ay nangangailangan ng pananampalataya, ngunit ibinigay na ng Diyos ang ating kailangan upang makapagsimula. Palagi natin Siyang kasama. Siya ang gumagabay sa atin sa daan. Anong hakbang ng pananampalataya ang kailangan mong gawin ngayon upang maisagawa ang Salita ng Diyos? Maaaring nakakaramdam ka ng takot sa paghakbang sa pananampalataya, ngunit ang kapayapaan ng Diyos ay sasaiyo sa iyong paghakbang, sa pananampalataya.
Diyos Ama, bigyan ako ng lakas ng loob na mamuhay batay sa pananampalataya at pagtitiwala. Ibigay sa akin ang Iyong kapayapaan habang pinagtitiwalaan Kita sa Iyong mga plano. Ang puso ko'y ingatan at alagaan. Tulungan akong hindi lamang maging tagapakinig ng Iyong Salita. Bigyan ako ng kinakailangang lakas upang makaabante. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!
More