Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 36 NG 40

Ginamit ni Pablo ang mga pandigmang kagamitan at sandata upang maisalarawan ang mga batayan ng ating pananampalataya. Ang sinturon ng katotohanan ang panimulang kinakailangan na pagdudugtungan ng ibang bahagi. Ang pundasyon ng ating pananampalataya ay ang katotohanan ng Ebanghelyo. Kailangang sa katotohanang ito natin itatag ang lahat ng iba. Ang baluti ng katuwiran ang mekanismong nag-iingat sa ating mga puso. Sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa mga pamantayan ng Diyos, iingatan natin ang ating mga sarili laban sa tukso. Tayo'y maging handa at buo ang loob sa Magandang Balitang naghahatid ng kapayapaan. Sa gayon, kapag may sumalakay, matatag pa rin tayong makakatayo sa ating pananampalataya.

Ang ating panangga kapag sinalakay ay ang pananampalataya. Noong mga sinaunang labanan, ang kawal ay lumalaban nang may kasiguruhan dahil sa proteksyon ng kanyang helmet. Ang ating kasiguruhan at kumpiyansa ay nagmumula sa ating kaalaman ng ating kaligtasan. Nangako ang Diyos na lalaban kasama at para sa atin.  

Ang tanging sandatang ibinibigay sa atin para sa ating mga labanan ay ang Salita ng Diyos. Huwag nating kakalimutan ang kapangyarihan ng pangalan ni Jesus. Hindi lang ito isang pangwakas sa panalangin, kundi paraan ng pagsusumamo para sa pamamagitan ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.

Binibigyan tayo ng Panginoon ng pandigmang kagamitan at sandata, ngunit tayo ang dapat magsuot at gumamit ng bawat bahagi. Habang nakikipaglaban ka sa iyong mga kasalukuyang laban, anong bahagi ng pandigmang kagamitan at sandata ang kailangan mong gamitin nang mas lubos pa?

Diyos Ama, salamat sa pagbibigay Mo ng lahat ng aking mga kinakailangan para sa tagumpay. Tulungan akong maalala na Ikaw lang ang kailangan ko. Turuan akong umasa sa Iyo kaysa sa sarili kong lakas. Salamat sa Iyong proteksyon at Iyong pagliligtas. Tulungan akong maitatag ang aking pananampalataya habang natututunang mas magtiwala sa Iyo. Sa pangalan ni Jesus, Amen. 

Araw 35Araw 37

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/