Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Kung magpapakatotoo tayo, malamang ay aminin nating may mga panahon sa ating buhay na hindi natin gusto o magawang manalangin. Labis tayong natabunan ng ating pighati, emosyon, kabalisahan, o takot na talagang wala na tayong ni lakas o mga salitang madala sa Diyos sa panalangin.
Sa mga panahong ito, tinutulungan tayo ng Diyos. Ibinibigay Niya ang Banal na Espiritu upang dumaing para sa atin (Mga Taga-Roma 8:26). Nais ng Diyos marinig ang ating mga papuri at hinaing (Mga Awit 55:16-17). Ang hangad Niya ay ang alamin ang ating puso. Ang resulta ng paglapit sa Diyos sa panalangin ay ang Kanyang presensya at Kanyang kapayapaan. Hindi tayo dapat matakot na hindi tayo handang lumapit sa Diyos. Palagi Siyang handang tanggapin tayo.
Ano ang humahadlang sa iyong lumapit sa Diyos na dala ang iyong mga alalahanin? Nais ng Iyong Ama sa Langit na lumapit kang dala-dala ang lahat. Sabik Siyang marinig ang iyong puso. Ano ang kailangan mong dalhin sa paanan ng krus ngayon?
Diyos Ama, salamat sa pagbibigay Mo ng karapatang makalapit sa Iyo sa pamamagitan ng Iyong Anak, si Jesus. Salamat dahil maaari akong lumapit sa Iyo kapag ako'y napapagal at nasisiraan ng loob. Tulungan akong ibuhos ang lahat ng nasa puso ko sa Iyo ngayon, Panginoon. Kung hindi ko alam ang sasabihin, ibigay sa akin ang Iyong Espiritu upang ako'y makapanalangin. Salamat sa pagmamahal sa akin. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!
More