Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Paano tayo makakapagpahayag ng mga salita ng pasasalamat sa mga panahong mas dama nating sabihin ang, “Salamat sa wala” sa Diyos?
Sa Unang Mga Taga-Tesalonica 5:18 inuutusan tayong magpasalamat sa lahat ng pagkakataon. Kapag nagpapasalamat tayo sa lahat ng pagkakataon, kinikilala natin na ang Diyos ay nakaupo pa rin sa Kanyang trono sa lahat ng pagkakataon. Sa maulang araw, pinasisikat Niya ang araw, bagama't hindi natin nakikita dahil nakukubli ng mga ulap. Kapag ang kalusugan natin ay bumabagsak, makakapagtiwala pa rin tayong magiging buo tayong muli. Ang perspektibo natin sa mundo ay limitado, kaya't madalas nating nakikita ang ating kalagayan sa makitid na pananaw.
Kapag nagpapasalamat tayo sa Diyos, kinikilala natin kung gaano Siya kadakila. Iginagalang natin ang Kanyang mga ginagawa at Kanyang mga gagawin sa ating mga buhay. Ang ating pagpapasalamat ay nagsisilbing patotoo sa iba. Sa mga panahong mapagpasalamat tayo kahit may kasalatan madalas napupuna ng iba ang ating kagalakan. Ang pamumuhay nang may pagpapasalamat ang aakay sa ating mabawasan ang kabalisahan dahil masisimulan nating makilala kung gaano karami ang ibinibigay ng Diyos.
Sa paanong paraan mo maipapatupad ang pagpapasalamat sa iyong pamumuhay? Karapat-dapat ang Diyos sa pagiging mapagpasalamat natin sa lahat ng pagkakataon.
Diyos Ama, salamat sa kung paano Mo palaging nalalaman ang pinakamabuti para sa akin. Salamat sa Iyong paggabay. Salamat sa Iyong karunungan. Tulungan akong maunawaan na anuman ang mangyari sa aking buhay, palagi akong mayroong maaaring ipagpasalamat. Salamat para kay Jesus, ang Iyong pinakamahalagang kaloob. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!
More