Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa
Mula pa sa paglikha, tapat ang Diyos sa Kanyang mga pangako sa sangkatauhan. Kapag tila natatabunan tayo ng mga alalahanin madaling malimutan ang katapatan ng Diyos. Sa kabuuan ng Banal na Kasulatan, inuutusan ng Panginoon ang Kanyang mga mananampalataya na tandaan ang Kanyang Salita at Kanyang mga gawa. Alam ng mapagmahal nating Ama na sa ating kahinaan, nakakalimot tayo. Banayad Niya tayong pinaaalalahanan ng Kanyang mga pangako.
Ibibigay ng Diyos ang lahat ng ating kailangan sa pamamagitan ni Cristo. Sa pamamagitan ni Jesus, may matibay na pananampalataya tayong makakalapit sa ating Ama sa Langit kahit sa pinakamahinang kalagayan natin. Hindi natin kailangang matakot na tanggihan o aayawang pakinggan. Makakasumpong tayo ng kapahingahan sa kalakasan ng ating Panginoon.
Ito ay mabuting balita! Dahil tayo ay makakalimutin, kailangan nating palaging paalalahanan ang ating sarili ng mga pangakong ito. Ang pagkakabisa ng Banal na Kasulatan ay tumutulong sa ating tandaan ang mga pangako ng Diyos at Kanyang katapatan. Sa ganoon, maaalala natin ang mga ito kapag pinakakailangan nating mapanatag. Subukang gumugol ng panahon bawat araw sa pagninilay sa isang pangakong ibinigay sa iyo ng Ama sa Langit. Mahal ka Niya at nais na malaman mong Siya ay nasa panig mo.
Diyos Ama, salamat sa pagmamahal mo sa akin. Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng kapanatagan sa pamamagitan ng relasyong pinagkasunduang kasama Ka sa pamamagitan ni Cristo. Tulungan akong tandaan ang mga pangakong binitiwan Mo sa akin para sa bawat araw at bigyang-daan akong makapaglakad nang may kumpiyansa dahil sa Iyong mga pangako. Pinupuri Kita sa Iyong katapatan. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!
More