Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 33 NG 40

Binabalaan tayo ng Efeso patungkol sa epekto ng mga emosyon sa ating mga pananalita at gawa. Sinasabihan tayo ni Pablo na kung magagalit man tayo, iwasan nating magkasala (Mga Taga-Efeso 4:26). Ang siping ito na mula sa Mga Awit 4:4 ay paalala sa ating pamahalaan ang ating mga emosyon imbes na hayaan ang mga itong kontrolin ang ating mga kilos. Ang ating mga salita ay marapat na maging mekanismong makakabuti, kaysa sa makakasira. 

Ang bigyan ng panahon ang Espiritu na mangusap sa atin at sa pamamagitan natin bago sumagot, mas lalo na kung tayo'y naliligalig, ay makakatulong sa ating tumugon nang may kahinahunan. Sa paggawa nito, ang sasabihin natin ay mga salitang kapaki-pakinabang imbes na hindi kanais-nais.

Paano naimpluwensyahan ng mga emosyon ang iyong mga tugon sa iba noong nakaraan? Paano mo maiiwasang pangunahan ng takot ang iyong mga salita sa hinaharap? Nais ng Diyos na tayo'y maging mga sisidlan ng Kanyang pag-ibig at habag. Ang ating mga bibig ay isang pangunahing daang makakapaghatid tayo ng Kanyang mensahe sa mundo.

Diyos Ama, Salamat sa Iyong kagandahang-loob. Tulungan akong ang mga salita ko'y makapangusap ng kagandahang-loob sa mundong nakapaligid sa akin bawat araw. Panalangin kong mapamahalaan ko ang aking mga emosyon, nang wasto kong maipamalas Ka sa aking buhay. Patawarin ako sa mga pagkakataong hinayaan kong ang takot ang mangibabaw sa aking mga salita. Amen.

Araw 32Araw 34

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/