Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 11 NG 40

Sa mga panahon ng takot at kabalisahan, minsan tayong nakokonsensiya dahil sa ating mga pangamba. Ang mga kaibigang naglalayong makatulong ay humihimok sa ating magkaroon ng mas ibayong pananampalataya, na lalong nagpapalala ng nararamdaman natin. Ang hiya at pagkabigo ay nagsisimulang humadlang sa ating matamo ang pagiging totoo at payapa. 

Ang Banal na Kasulatan ay may alok sa ating pampalakas ng loob kapag hinahatulan natin ang ating sarili dahil sa ating mga pangamba. Sa Roma, pinapaalalahanan ni Pablo ang mga mananampalataya ng kalayaan na mayroon tayo kay Cristo. Hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa kay Jesus. Ang mga salitang ito ay nagbibigay ng buhay at pag-asa. Hindi nag-aabang ang Diyos na paratangan at hatulan tayo para sa bawat pagkakamali. Dahil sa Kanyang kagandahang-loob isinugo Niya ang Kanyang Anak upang palayain tayo mula sa kasalanan at kamatayan. Kaya, maaari tayong lumapit sa Kanya sa tuwing nakakaramdam tayo ng takot.

Naranasan mo na bang maramdaman ang kahatulan at hiya dahil sa panahon ng pagkatakot at kabalisahan? Nagamit mo ba ang karanasang iyon na mas makalapit kay Jesus? Nais ng Diyos na lumapit tayo sa Kanya anuman ang ating kalagayan. 

Diyos Ama, salamat sa pagbibigay sa akin ng kalayaang lumapit sa Iyo. Pinupuri kita sa Iyong hindi natitinag na pag-ibig. Salamat para sa Iyong Anak, na namatay para sa akin. Tulungan akong makitang kinalulugdan Mo ako kapag hinahatulan ko ang aking sarili o nararamdaman ang kahatulan mula sa iba. Gabayan nawa ako ng Iyong Espiritu sa landas tungo sa kapayapaan. Sa pangalan ni Jesus, amen. 

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/