Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 10 NG 40

Bilang mga mananampalataya, kinakaharap natin ang isang espirituwal na kaaway na ang pakay ay sirain tayo. Ang kaaway ay hindi basta nag-aabang lang, bagkus, tila ito isang nagugutom na hayop na naghahanap ng malalapa. 

Bagama't may kaaway tayong nagpapakay na maminsala, hindi natin kailangang matakot. Binalaan ni Jesus ang Kanyang mga alagad patungkol sa diyablo, ngunit ibinigay Niya sa kanila (at sa atin!) ang pinakadakilang sandata: Siya mismo.  Nilupig ni Jesus ang kaaway. Siya'y nabuhay, namatay, at muling nabuhay upang maranasan natin ang buhay na walang takot sa kaaway.

May pananagutan tayo bilang mga mananampalataya na maging handa sa mga pakana ng diyablo. Pinaaalalahanan tayo ng 1 Pedro 5 na maging mapagpigil at mapagbantay. Bagama't malakas ang banta, mas malakas ang ating depensa. Binigyan tayo ng Diyos ng abilidad na labanan ang kaaway at magpakatatag sa ating pananampalataya.

Sa susunod na pagkakataong maramdaman mo ang kabalisahan, sikaping tandaan na bagama't nakikipaglaban sa atin ang kaaway, ang tagumpay ay nasa Diyos. Paano ka matutulungan ng kaalaman ng katotohanan ng Salita ng Diyos sa mga panahong natatakot ka?

Diyos Ama, salamat dahil isinugo Mo ang Iyong Anak upang mabigyan ako ng buhay. Salamat sa pagbibigay Mo ng stratehiya sa pakikipaglaban kapag umatake ang kaaway. Bigyan ako ng kalakasan upang magpakatatag sa aking pananampalataya kahit nanghihina ako. Amen.

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/