Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 15 NG 40

Madalas ihinahambing ng Banal na Kasulatan ang relasyon natin sa Diyos sa relasyon ng isang pastol at ng kanyang kawan. Ipinagsasapalaran ng pastol ang lahat upang maprotektahan ang kanyang kawan. Nauunawaan niya ang kanilang mga pangangailangan at isinasapanganib ang kanyang kapakanan upang masiguro ang kanilang kaligtasan. Binabantayan niya sila laban sa kanilang mga kaaway at inaaliw sila kapag sila ay natatakot. Ang papel ng pastol ay walang tinag, may panganib at may kababaang-loob.

Likas sa mga tupang magkumpulan at magtakbuhan kapag may panganib. Ang likas na ugaling magkumpulan ang nagsasanhi sa kanilang sumunod sa isang natatakot na tupa, imbes na sa kanilang pastol, tungo sa kapahamakan. Imbes na sumunod sa ibang tupang natatakot, kailangan nating ituon ang ating mga mata sa ating dakilang Pastol. Kusang ginampanan ni Jesus ang tungkulin Niya bilang ating Pastol. Ang tungkulin natin bilang Kanyang mga tupa ay ang pakinggan ang Kanyang tinig at sumunod sa Kanya. 

Sa anong aspeto ng buhay mo mas malamang kang sumunod sa karamihan kaysa sa Diyos? Paanong ang pagsunod sa karamihan ay mauuwi sa higit pang kabalisahan? Alalahanin ang mga paraang naging tapat ang Panginoon sa pagtugon sa iyong mga pangangailangan ngayong linggong ito. Ang katapatan Niya kahapon ay pangako ng katapatan Niya bukas. 

Diyos Ama, salamat sa Iyong pagmamalasakit. Salamat sa pagsugo Mo ng Iyong Anak upang maging aking Mabuting Pastol. Ipakita sa akin ang mga pamamaraang nagtitiwala ako sa sarili ko o sa iba kaysa sa Iyo. Tulungan akong makita ang mga aspetong kasalukuyang binibigyan Mo ako sa aking buhay. Sa pangalan ni Jesus, amen.

Banal na Kasulatan

Araw 14Araw 16

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/