Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa
![Love God Greatly: Fear & Anxiety](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F19262%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Marami sa atin ang nakaranas na ng mga panahong makapitan ng takot na tila pinipiga ang lahat ng kagalakan sa ating buhay. Nagsasanhi ang takot na tigilan nating gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa atin. Nagsasanhi itong mapabayaan natin ang mga mahalagang relasyon. Maaaring magkaroon ng malaking kapangyarihan ang takot sa atin kung pababayaan natin itong kontrolin ang ating mga araw.
Upang malabanan ang kapangyarihan ng takot, kailangan nating kilalanin na mas makapangyarihan ang Diyos kaysa sa takot. Noong si Job ay nasa kalagitnaan ng pagdurusa, pinaalalahanan siya ng Panginoon ng Kanyang dakilang kapangyarihan sa Paglikha. Bagamat si Job ay walang kontrol sa kanyang sitwasyon, ang Diyos ay nanatiling kontrolado ang lahat.
Kailan mo naramdamang wala kang kapangyarihan laban sa sitwasyon mo sa buhay? Kapag kumakaharap tayo ng mga paghihirap sa buhay madali tayong makaramdan ng tulad ni Job. Ang paglalagay ng ating pag-asa at pagtitiwala sa kapangyarihan at kapamahalaan ng Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas na labanan ang ating mga takot.
Diyos Ama, salamat sa Iyong kapangyarihan. Patawarin ako sa mga pagkakataong nagdududa ako. Tulungan akong makita ang Iyong kapangyarihan sa paglikha at sa aking buhay. Salamat sa kung paano Mo ipinagpapatuloy ang ginagawa Mo sa buhay ko para sa aking ikabubuti. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Love God Greatly: Fear & Anxiety](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F19262%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!
More