Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa
Sa mga panahong namumuhay tayo sa kabalisahan, may mga pagkakataong masusumpungan natin ang ating sariling tumutuon sa mga negatibong aspeto lang ng ating buhay. Natatambakan ang ating mga isip ng mga hindi kanais-nais na mga kaisipan. Hindi natin kailangang manatiling palusong sa kawalan ng pag-asa. Binibigyan tayo ng Diyos ng kakayahang mapagtagumpayan ang ating mga negatibong iniisip at palitan ang mga ito ng katotohanan.
Binigyan tayo ng Diyos ng espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili (2Timoteo 1:7). Gamit ang kapangyarihang nasa atin, kailangan nating ituon ang ang mga isipan sa kung sino tayo bilang mga anak ng Diyos. Kapag inilihis natin ang ating mga iniisip mula sa takot at lagyan ang ating mga isipan ng katotohanan, ng kung sino si Jesus at ng Kanyang mga ginagawa, ang pananampalataya natin ay makakapagpalipat ng mga bundok.
Patuloy nating pagsikapan ang mga bagay na mula sa Diyos kahit sa mga panahon ng takot. Dapat maging laman ng ating isip ang mga bagay na totoo, matuwid, marangal, kaibig-ibig, kahanga-hanga, napakahusay at kapuri-puri. Maaari nating sanayin ang ating mga sarili na gawing laman ng ating mga isip ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng panalangin, panahon sa Salita ng Diyos, at pakikipagtipon sa mga kapwa mananampalataya.
Diyos Ama, salamat na sa pamamagitan ng Iyong Anak, tinawag Mo ako sa isang buhay ng kapayapaan. Panginoon, tulungan akong masumpungan ang kapayapaan sa Iyo. Pinupuri Kita dahil binigyan Mo ako ng isang isip na kayang tumuon sa Iyo. Bigyan ako ng pusong pagsisikapan Ka nang higit sa lahat. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Tungkol sa Gabay na ito
Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!
More