Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa
Kung minsan, dinadala tayo ng buhay sa mahihirap na sitwasyong kailangan nating pagdaanan. Nangangako ang Diyos na sasamahan tayong malagpasan ito. Hindi natin kailangang magmistulang nalulunod sa kawalan ng pag-asa dahil hinahawakan tayo ng ating Ama sa Langit. Hawak Niya ang ating kamay.
Sa pamamagitan ni Cristo, pinalaya tayo ng Diyos mula sa kamatayan, kasalanan, at takot. Tayo ay may buhay, pag-asa at kagalakan dahil kay Jesus. Kung gayon, maaari tayong maging tiwasay at huminga anuman ang sitwasyong dumating. Binayaran ni Jesus ang pinakamalaking halaga. Tayo ay pagmamay-ari ng Diyos. Dahil sa Kanyang sakripisyo, maaari tayong maging payapa sa Kanyang presensya anuman and dumating sa ating buhay.
Paano ka natutulungang mapagtagumpayan ang takot ng kaalamang ikaw ay pagmamay-ari ng Diyos? Sasamahan ka ng Diyos sa pagdaan sa mga pagsubok at kaguluhan. Gagabayan ka Niya sa daraanan. Kailangan nating kumapit sa ating Manunubos.
Diyos Ama, salamat sa pagsugo sa Iyong Anak upang pagbayaran ang aking mga kasalanan. Salamat sa pagtawag Mo sa akin sa isang relasyon sa Iyo. Tulungan akong makita kung paano Ka gumagawa sa kaguluhan. Ipakita sa akin ang Iyong katotohanan sa pamamagitan ng Iyong Salita. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!
More