Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 29 NG 40

Sina Pablo at Silas ay nabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya (tingnan ang Awit 16). Bagma't silay nakakadena, patuloy silang umawit ng mga papuri sa Diyos. Narinig ng ibang bilanggo ang kanilang mga papuri, na patotoo ng kanilang pananampalataya. Tumugon ang Panginoon sa kanilang pananampalataya at niyanig ang pundasyon ng mga pader ng bilangguan. Sa pamamagitan ng pangyayaring ito, ang bantay ng bilangguan at ang kanyang pamilya ay nanampalataya kay Cristo. 

Ang papuri sa kalagitnaan ng sakit ay hindi lang nagpapatibay ng ating pananampalataya, kundi nagsisilbi ring makapangyarihang patotoo sa iba. Ang resulta ng ating pananampalataya ay maaaring hindi isang nakakayanig na karanasan tulad ng kay Pablo, ngunit ito ay makakapaghatid ng kapayapaan sa atin. Ang ating mga papuri ay maririnig. Naghahatid ang mga ito ng kaluwalhatian sa Diyos na nag-iingat sa lahat ng bagay.

Anong mga pananalita ng papuri ang kailangan mong dalhin sa iyong Ama sa Langit ngayon? Lumapit tayo sa Kanya sa lahat ng pagkakataon nang may saloobing mapagpasalamat. Kapag ginawa natin ito, mauunawaan natin kung gaano tayo pinagpala ng Diyos sa ating mga buhay.

Diyos Ama, salamat sa pagbibigay Mo ng araw na ito upang mapapurihan Kita. Ibinigay Mo sa akin ang hiningang aking hinihinga at ang aking buhay. Ang lahat ng mayroon ako ay regalo mula sa Iyo. Tulungan akong lumago sa pagiging mapagpasalamat. Salamat sa regalo na Iyong Anak, na kung Kanino ako ay may buhay. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Araw 28Araw 30

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/