Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa
Napakadalas, tinatangka nating ayusin ang ating mga buhay sa harapan ng Diyos, iniisip na mas mabuti ang panoorin Niya tayo imbes na tulungan. Gusto nating ipakita sa Diyos na kaya nating mag-isa. May mali tayong imahen ng kung sino Siya. Hindi Siya isang mapanghusgang pinunong naghahangad tayong ilagpak. Bagkus, isa Siyang mapagmahal na Amang kampi sa atin. Nais Niya tayong tulungan kapag may kaguluhang kinalalagyan.
Noong mga huling oras ni Jesus, nanalangin Siya para sa mga mananampalataya. Ipinanalangin Niya ang ating pagkakaisa at nanalangin Siya para sa ating proteksyon. Ipinanalangin Niyang pahintulutan tayong malaman ang katotohanan at magkaroon ng kagalakan. Ang dalanging ito ay dapat magbigay ng dakilang pag-asa sa ating mga mananampalataya.
Narito ang Diyos na sasagot kapag tumatawag tayo. Marapat nating tandaang tumawag sa Panginoon nang may pananampalataya. Nais Niya tayong tumawag sa Kanya. Ano ang humahadlang sa iyong tumawag sa Panginoon para sa tulong?
Diyos Ama, salamat sa lubos na pagmamahal Mo sa akin na handa Kang tulungan ako anumang kaguluhan ang aking kinalalagyan. Pinupuri Kita dahil hindi Ka kailanman napakalayong hindi na marinig ang aking tawag. Salamat na si Jesus ay nanalangin para sa akin kahit na kinakaharap na Niya ang krus. Tulungan akong tumawag sa Iyo para sa tulong kapag ako ay natatakot. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!
More