Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 24 NG 40

 Ang takot at kabalisahan ay maaaring magmula sa mga panahon ng kalungkutan. Kung naniniwala tayong walang nakakaunawa ng pinagdadaanan natin o lubos tayong nag-iisa sa ating sitwasyon, madali lang mahulog sa takot. 

Noong ang mga Israelita ay malapit nang pumasok sa lupang ipinangako, pinaalalahanan sila ni Moises na huwag matakot sa mga kaaway dahil sasamahan sila ng Panginoon. Hindi sila iiwan ni pababayaan ng Diyos. Iniligtas sila ng Diyos mula sa pagkakaalipin sa Egipto at inalagaan sa ilang ng apatnapung taon. Ngunit kahit matapos ang himalang iyon, kinaharap pa rin nila ang pagdududa at takot sa kung sasamahan ba sila ng Diyos o hindi. 

Si David, bilang isang pastol at tumatakas na hari ay nakaunawa ng kalungkutan. Gayunpaman, inakda niya ang ilang pinaka nakakapagpalakas ng loob na mga kasulatan sa Mga Awit. Nakilala niya ang presensya ng Diyos sa kanyang buhay at naunawaang anumang sitwasyon ang dumating, ang Diyos ang kanyang kaaliwan.

Diyos Ama, salamat sa Iyong Presensya. Tulungan akong maramdaman ang presensya Mo sa buhay ko ngayon. Nawa'y bigyan ako ng Iyong Espiritu ng kaaliwan at kapayapaan. Tulungan akong magpakatatag at lakasan ang aking loob kapag ako'y nanghihina o natatakot. Salamat sa pagbibigay ng Iyong Anak bilang perpektong halimbawa ng pagkamasunurin. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Araw 23Araw 25

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/