Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 22 NG 40

Ang takot ay mula sa mundo. Unang dumating ang takot sa Genesis 3 matapos suwayin ni Adan at Eva ang Diyos. Nagtago sa Diyos sina Adan at Eva dahil natakot sila. Ganyan din ang ginagawa natin. Pinapayagan nating kontrolin ng takot ang ating mga iniisip, emosyon, at kilos. 

Ngunit maaari nating mapagtagumpayan ang ating mga iniisip na dala ng takot. Sa pag-alala at pagbigkas ng katotohanan ay binabago natin ang ating mga pag-iisip at pinapasunod kay Cristo. Binabago natin ang ating pag-iisip (tulad ng tinalakay ni Pablo sa kanyang liham sa mga taga-Roma) at sinasanay ang ating mga sarili na hindi magpatalo sa takot. Lumilikha tayo ng mga bagong kagawian at bagong pamamaraan ng pag-iisip sa tuwing pipiliin nating paniwalaan ang katotohanan kaysa ang ating takot. 

Gaano kadalas mong pinapayagan ang Panginoon na muling punan ka sa espirituwal at pinapayagan ang kaisipan mong magpahinga? Madalas, pumupunta tayo sa Banal na Kasulatan upang matuto o mas lumapit sa Diyos. Ang Banal na Kasulatan ay may kapangyarihang ibahin at baguhin ang ating pag-iisip, at sanayin tayong tumuon sa katotohanan imbes na sa takot. 

Diyos Ama, salamat sa karunungan sa Iyong Salita. Pinupuri Kita sa katotohanang nahahayag kay Cristo. Nananalangin akong bibigyan Mo ako ng tapang na makita ang pagkakaiba ng katotohanan at kasinungalingan sa aking mga iniisip. Amen.

Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/