Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa
Kapag dumaraan tayo sa mga panahon ng takot at kabalisahan, maaaring pakiramdam natin ay tinatambangan tayo mula sa lahat ng direksiyon. Pakiramdam natin ay nais tayong dakpin ng mundo. Maaaring lunurin ng pangambang ito ang ating mga isip at emosyon. Sa mga panahong ito, ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng kalinawan.
Ang Diyos ay isang tagapagligtas. Siya ay nagbibigay ng kalayaan at kapatawaran. Hindi Siya walang-bahalang nagmamasid sa ating dumanas ng kalungkutan. Bagkus, aktibo Siyang namamagitan para sa atin. Sinasabi ng Banal na Kasulatan na ang Panginoon ay nagliligtas, nagkukupkop, at nag-iingat sa atin laban sa oposisyon. Siya ang kumukupkop sa atin kapag may takot. Pinapakinggan Niya tayo kapag tayo ay tumatawag ng saklolo at nagliligtas sa atin kapag tayo ay nasa kagipitan.
Magpahinga sa Kanyang pag-ibig. Manatili sa kaligtasan ng Kanyang kabutihan. Maari tayong tumingin sa Kanya na tugunin ang ating mga pangangailangan kapag tayo ay nilalamon ng takot. Ang kapahingahan ay mapapasaatin kapag magtitiwala tayo sa kung sino ang Diyos at kakapit sa kaalaman ng kung paano Siya kumilos sa ating nakaraan.
Diyos Ama, salamat sa pag-ibig Mong walang kondisyon. Salamat na maaari akong lumapit sa Iyo kapag ako'y napapagod at natatakot. Tulungan akong magpahinga sa kaalamang kasama Kita anuman ang pagdaanan ko. Pinupuri Kita sa Iyong wagas na pag-ibig. Salamat sa pinakasukdulang pagliligtas na ibinigay Mo sa aking sa pamamagitan ni Jesus. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!
More