Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 8 NG 40

Maraming halimbawa sa Banal na Kasulatan ng mga taong nakikipaglaban sa takot: sina Abraham at Sara, Moises, David, Jonas, at Ester ang ilan sa kanila. Maging ang mga alagad, na araw at gabing nakasama ni Jesus, ay nakipaglaban sa takot! 

Ang kakulangan ng pananampalataya ng mga alagad ay nakikita sa kanilang takot sa bagyong naengkwentro sa Lawa ng Galilea. Marami sa mga alagad ay mga sanay na mangingisda, bihasa sa paglalayag sa maaalong tubig at mga bagyo. Gayon pa man, nang bumugso ang isang malakas na bagyo sa lawa, nilamon ng takot ang mga tagasunod ni Jesus. Habang si Jesus ay mahimbing na natutulog sa kalagitnaan ng bagyo, tarantang-taranta Siyang ginising ng mga alagad. Pinatunayan ni Jesus ang Kanyang awtoridad sa hangin at mga alon sa pagpapatahimik ng bagyo. 

Kung titingnan ang buhay mo ngayon, nasaan ang iyong pananampalataya? Ikaw ba ay nakapahinga kay Cristo, kinikilalang Siya ang may awtoridad sa iyong buhay, o ikaw ba ay nahihirapang magtiwala sa Kanya sa gitna ng isang bagyo? Kaya Niyang patahimikin ang anumang bagyo. Naniniwala ka bang kaya ka Niyang iligtas mula sa kinakaharap mo?

Diyos Ama, salamat na maaari akong magpahinga nang panatag sa Iyo. Pinupuri Kita sa awtoridad Mo sa buhay ko. Tulungan akong makita nang mas malinaw ang Iyong kapangyarihan. Patawarin ako sa mga pagkakataong mahina ako sa aking pananampalataya. Tulungan akong madagdagan pa ang aking pananampalataya. Nawa'y tumuon ako sa kung sino Ka kapag kumakaharap ako sa mga nakakabahalang panahon. Sa pangalan ni Jesus, amen.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/