Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mahalin Nang Lubos ang Diyos: Takot & KabalisahanHalimbawa

Love God Greatly: Fear & Anxiety

ARAW 4 NG 40

May dahilan kung bakit ang pagkakulong na mag-isa ay isa sa mas matinding parusa sa loob ng piitan. Ang karamihan sa mga tao ay ayaw na mag-isa sa loob ng mahabang panahon. Maaari tayong labis na maapektuhan ng kalungkutan dahil sa pag-iisa, at maging sanhi ng kalumbayan, sakit ng loob, at depresyon. 

Ang takot na ito sa kalungkutang dulot ng pag-iisa ay maaaring magdala sa atin sa mga bagay na mas makakasama kaysa makakabuti sa atin sa mahina nating kalagayan. Saan man tayo may inklinasyong bumaling, walang makakatugon sa ating pangangailangan at makakapagbigay ng lugod sa ating kaluluwa nang tulad ng ating Ama sa Langit. Kailangan nating mapagtanto na bilang mga mananampalataya, wala tayong dahilang maranasan ang kalungkutang dulot ng pag-iisa dahil maaari tayong lumapit sa Diyos kahit kailan. Hindi natin kailanman kailangang matakot na iiwan tayo o aabandonahin. Ang Diyos ay narito upang bigyang-lunas ang mga nalulungkot at wasak ang puso, anuman ang sitwasyon. 

May kahungkagan bang dahil sa kalungkutang dulot ng pag-iisa na sinusubukan mong punuin sa iyong buhay? Nais ng Diyos na katagpuin ka sa iyong kalungkutan. Maaari tayong lumapit sa Kanya dala ang ating mga damdamin, pagkabahala at pasanin. Ano ang iyong ginagamit upang pawiin ang pananabik na tanging ang Diyos ang makakapuno? Subukang ibigay ito sa Kanya. Tunghayan ang gagawin Niya sa iyong sitwasyon at iyong puso habang tinutugunan Niya ang iyong mga pangangailangan. 

Diyos Ama, salamat sa pagmamahal Mo sa akin sa mabubuti at mahihirap na panahon. Pinupuri Kita sa Iyong presensya. Bigyan ako ng pananampalataya upang magtiwalang kasama Kita, kahit hindi Kita nararamdaman. Patawarin ako sa mga panahong bumaling ako sa ibang bagay upang punuin ang kahungkagang nararamdaman. Salamat sa Iyong pagpapatawad. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Love God Greatly: Fear & Anxiety

Ikaw ba ay naghahanap ng ginhawa mula sa takot at kabalisahan? Sa 6-na-linggong pag-aaral na ito, tutuklasin natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa takot at kabalisahan. Matututunan natin kung paano ito labanan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Masusumpungan natin ang kalayaang hinahanap ng ating mga puso at ang kapayapaang kailangan ng ating mga isipan. Kung ang Diyos ay panig sa atin at ang Kanyang mga Salita ay nasa ating mga puso at isipan, mapagtatagumpayan natin ang ating mga takot!

More

Nais naming pasalamatan ang Love God Greatly para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lovegodgreatly.com/lgg/bible-studies/