Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 27:1-3

Mga Awit 27:1-3 RTPV05

Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan? Kung buhay ko'y pagtangkaan ng taong masasama, sila'y mga kalaban ko at mga kaaway nga, mabubuwal lamang sila at mapapariwara. Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot, hindi pa rin ako sa kanila matatakot; salakayin man ako ng mga kaaway, magtitiwala pa rin ako sa Maykapal.