Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 27:1-3

MGA AWIT 27:1-3 ABTAG

Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak? Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa. Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, Hindi matatakot ang aking puso: Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin, Gayon ma'y titiwala rin ako.