Mga Awit 27:1-3
Mga Awit 27:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan? Kung buhay ko'y pagtangkaan ng taong masasama, sila'y mga kalaban ko at mga kaaway nga, mabubuwal lamang sila at mapapariwara. Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot, hindi pa rin ako sa kanila matatakot; salakayin man ako ng mga kaaway, magtitiwala pa rin ako sa Maykapal.
Mga Awit 27:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang PANGINOON ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan. Kapag sinasalakay ako ng masasamang tao o ng aking mga kaaway upang patayin, sila ang nabubuwal at natatalo! Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal, hindi ako matatakot. Kahit salakayin nila ako, magtitiwala ako sa Dios.
Mga Awit 27:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak? Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa. Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, hindi matatakot ang aking puso: bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin, gayon ma'y titiwala rin ako.
Mga Awit 27:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan? Kung buhay ko'y pagtangkaan ng taong masasama, sila'y mga kalaban ko at mga kaaway nga, mabubuwal lamang sila at mapapariwara. Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot, hindi pa rin ako sa kanila matatakot; salakayin man ako ng mga kaaway, magtitiwala pa rin ako sa Maykapal.
Mga Awit 27:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak? Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa. Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, Hindi matatakot ang aking puso: Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin, Gayon ma'y titiwala rin ako.