21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
Mga Taga-Roma 6:17-18
Ngunit salamat sa Diyos, kayong dating mga alipin ng kasalanan ay taos pusong sumunod sa aral na ibinigay sa inyo. Pinalaya na kayo sa kasalanan at kayo ngayon ay mga alipin na ng katuwiran.
Panalangin:
Ama, ikaw lamang ang makapagpapalaya sa amin mula sa pagkaalipin sa kasalanan, hatol at kaparusahan. Nagpapasalamat kami kay Jesus sa pag-aalay ng Kanyang buhay bilang sakrispisyo para sa aming kasalanan sa krus. Dalangin ko na si _______________________ ay mapalaya rin sa pamamagitan ni Cristo at ng krus. Dalangin ko na siya ay hindi na maging alipin pang muli ng sanlibutan at ng kanyang sariling makasalanang laman. Dalangin ko na si _______________________ balang araw ay susunod ng taos sa puso at buong pusong susunod sa iyo bilang Panginoon at Tagapagligtas.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More